Herbert

Followers ni Bistek, may pa-’BTS’

October 7, 2021 Ian F. Fariñas 642 views

HINDI nakalimutang pasalamatan ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga security guard, magtataho, tricycle driver, barangay leader at elected city official na naging malaking bahagi ng buhay niya bilang public servant.

Ginawa ni Herbert o Bistek ang pagpupugay nang maghain siya ng COC (certificate of candidacy) sa pagka-senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition o NPC ng Ping Lacson-Tito Sotto tandem.

Marami raw siyang natutunan sa mga nabanggit kaya naman hiningi rin niya ang suporta ng mga ito “para mas makatulong sa mas nakakarami, hindi lang sa Quezon City, kundi sa buong bansa.”

Anang aktor-politiko, ito ang kauna-unahan niyang journey sa larangan ng serbisyo publiko matapos ang mahigit tatlong dekada ng paglilingkod sa mga taga-QC.

Matatandaan na nag-time-out si Bistek sa pulitika noong 2019 matapos ang ilang dekada ng paninilbihan mula sa pagiging kagawad at youth representative noong 1989.

Sa panahong wala siya sa political scene, inilaan niya ang oras bilang pribadong indibidwal sa pamilya at showbiz career.

Kamakailan lamang ay napanood muli si Bistek na gumaganap sa mga pangunahing papel sa Kathryn Bernardo-Daniel Padilla digi series na The House Arrest of Us sa ABS-CBN at sa TV version ng classic comedy-fantasy film na Puto kasama si McCoy de Leon sa TV5.

Sa mga susunod na buwan, “BTS” naman ang sigaw ng kanyang followers. “BTS,” meaning “Bistek Tayo sa Senado.”

AUTHOR PROFILE