
Flexy hot
UMALOG ang social media matapos mag-post ng mapanuksong mirror selfie ang beauty queen at aktres na si Herlene Budol!
Suot ang fitted sports bra at manipis na panty, walang preno sa pag-flex si Herlene ng kanyang bottle-like body na parang hinulma sa langit — at pinababa sa Earth para lang manggigil ang sambayanan!
Sa caption na “Yung nag fflex ka pero walang may pake! haha,” mukhang balewala raw ang kanyang paandar — pero hindi kumbinsido ang netizens!
Ang comment section, parang sumabog na pressure cooker sa dami ng reaksyon. Mula sa “Grabe ang body shapee panaloooooo” hanggang sa “Sarap kainin,” obvious na hindi lang “may pake” ang madla — kundi overreacting sa init! Ang iba naman, aminadong natusta ang moralidad nila sa isang tingin pa lang sa alindog ni Herlene.