Jenn Larawan mula sa IG/Jenn Rosa

Halimuyak ng ROSAs

April 9, 2025 People's Tonight 144 views

NAPAMURA pa nga ang mga barako nang ibuyangyang ng Vivamax actress na si Jenn Rosa ang kanyang namumulang “rosas.”

Sa Instagram page ng sexy star, bagyong alindog ang hatid ng to the max sa patakam niyang video.

Bukang-buka at pulang-pula ang mga bulaklak na nakapalibot sa kanyang katawan. Namukadkad nga ang libido ng mga kelot na talaga namang patay na patay kay Jenn at buhay na buhay sa pantasyang malanghap ang halimuyak ng bebot na tulad niya.

Mapapanood sa video ang sizzling hotness niyang mga galawan. May dala-dalang pang-aakit ang kanyang mga hagod at titig habang ang kanyang wangkata, nakakagutom para sa mga nasa opposite sex dahil sa linamnam na ibinubuga ng kanyang karisma.

Nakakasilaw ang kakinisan ng kanyang balat at nakadagdag pa sa kanyang hotness ang tattoo ng bebot. Bumakat din ang pa-“pasas” ni Jenn na siyang kinabaliwan ng mga nasa opposite sex.

Bombshell na bombshell nga ang datingan ni Jenn. Sa pagtayo pa lang niya, aminado nang tumayo rin ang mga alaga ng mga kalahi ni Adan.

“Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan!” hirit pa ng isang netizen.

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).

AUTHOR PROFILE