
Finance officer arestado sa estafa
LAGLAG sa kamay ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang isang 54- anyos na finance officer dahil sa estafa sa isang hotel sa Roxas Boulevard, Malate, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si alyas Armando 54, networking/finance officer na taga-Las Piñas City.
Batay sa report ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, bandang alas-3:00 ng umaga nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy commander ng DSOU, kasama sina Police Captain Edgar Julian, Police Captain Renz Crizztofer Figuerroa sa isang hotel sa panulukan ng Roxas Boulevard at Dr. J. Quintos St. sa Malate.