Posas

Feeling siga nag ala-Rambo ng walang boga, timbog

August 11, 2023 Jonjon Reyes 310 views

ARESTADO ang isang feeling siga na miyembro ng Bahala Na Gang matapos bulabugin ang katahimikan ng mga residente ng Arellano Avenue at Zobel Roxas St., sa Barangay 756 Malate, Malate, Manila Biyernes ng madaling araw.

Armado ng patalim ang 48-anyos na suspek na si “Raymond” ng Bacoor, Cavite at nag-ala Rambo pa kahit wala namang baril kundi kutsilyo kaya agad inaresto ng mga pulis.

Naaresto ang feeling siga nang humingi ng tulong ang Barangay Official kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander ng MPD PS 9, hinggil sa naturang insidente.

Hindi nag aksaya ng oras sina Police Corporal Haji Imperial at si Police Corporal Arci James Saique at agad na tinungo ang kinaroroonan ng suspek para arestuhin.

Nadatnan pa nila na sumisigaw ang lalaki ng “lumabas ang matatapang put…ina nyo” habang may hawak hawak na patalim at winawasiwas ito.

AUTHOR PROFILE