Ryza3

Fans bet gumaya sa pagpapakalbo ni Ryza

June 23, 2024 Vinia Vivar 64 views

Ginulat ni Ryza Cenon ang kanyang mga tagahanga nang biglang bumulaga sa kanyang social media accounts ang video at larawan niya na kalbo na siya.

Nagpakalbo nga ang aktres para sa bago niyang project mula sa Viva Entertainment, ang Lilim.

“This is it. ‘Andito na tayo sa Jhen Hair Extensions. Gagawin na natin ‘yung big decision ko ngayon sa tanang buhay ko na magpa-shave ng hair, not just shave but skinhead talaga,” sabi ni Ryza sa vlog.

“Para sa karakter naman ‘yon. I mean, ganu’n talaga ako ka-committed sa character,” dagdag niya.

Mapapanood sa nasabing vlog ang pagpapakalbo ni Ryza sa naturang salon na siya pa mismo ang unang nag-cut at nag-shave ng hair niya at itinuloy na lang later ng hairdresser.

Nang matapos na ay nag-post na si Ryza ng kanyang bagong look at umanin naman ito ng katakut-takot na positive comments saying na bagay sa aktres ang kalbo.

Nagkomento pa ang iba na gusto na rin nilang ipa-shave ang kanilang hair.

Ipinost din ng Viva Films ang new look ng aktres at sinabing gaganap si Ryza bilang Helena sa upcoming film na Lilim mula sa direksyon ni Mikhail Red.

Bukod kay Ryza, bibida rin sa nasabing bagong horror movie sina Heaven Peralejo, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna and Eula Valdez, among others.

AUTHOR PROFILE