
Ex-fiancée ni Scottie may new love life na?
USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens ang umano’y panibagong pag-ibig ng ex-fiancée ng basketbolistang si Scottie Thompson na si Pau Fajardo, isang modelo at social media personality.
Sa Instagram post kasi ni Pau nitong Lunes, Setyembre 18, ibinahagi niya ang ilang larawan ng naging trip niya sa Thailand. Kalakip nga ng nasabing post ang litrato ng isang lalaking hindi niya rin pinangalanan.
Nagkomento naman sa nasabing post ang TV personality at former Wowowee host-dancer na si RR Enriquez na tila ba kinumpirma ang new love life ni Pau.
“Hindi pa tayo nag abot. And hurray sa new love life,” sey ni RR sa post ni Pau.
Inulan din ng komento si Pau mula sa kanyang followers at anila nga’y masaya sila para sa modelo kahit na hindi pa man niya ito pormal na ipinapakilala.
Tila kilala naman ng ibang netizens ang bagong nobyo umano ng social media personality. Pinangalanan pa nga nila ito sa comment section bilang “Philip Justine.”
Narito ang ilang komento ng netizens sa post ni Pau:
“So happy for you mamaaa… and papa.”
“Face reveal soon ms pau, happy for you.”
“Joan Pauline [heart emoji] Philip Justine. Tinadhana pati mga name nila perfect.”
“Ano ako na ba mag tag sino siya Hahahhaa happy for u both. Mwa mwa.”
“Deserve mo si sir Philip Justin.”
“Reveal na po miss pau happy for you dami kinikilig.”
Matatandaang ikinagulat ng netizens ang paghihiwalay ni Pau at dating nobyo na si Scottie dahil marami ang umasang sila’y ikakasal dahil nag-propose na si Scottie noong Enero 2021 sa modelo.
Matapos naman ang hiwalayan ng dalawa ay kinumpirma ng kampo ni Scottie ang kanyang pagpapakasal ng patago kay Jinky Serrano, isang sikat na social media influencer.