Michelle Larawan mula sa IG/@mitch_madrigal

Michelle Madrigal nag-social media detox para sa mental health

September 19, 2023 People's Tonight 253 views

PANANDALIAN munang aalis sa mundo ng social media ang aktres na si Michelle Madrigal dahil nais umano niyang maisaayos ang kanyang sarili at para na rin sa kanyang mental health.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 18, nagbigay anunsyo si Michelle na nag-log off at binura niya ang kanyang mga social media apps panandalian.

Saad ng aktres, naging dahilan niya rin sa pag-social media detox ang pagnanais niyang lumalim pa ang kanyang relasyon sa Panginoon.

“I’ve logged off/deleted my social media apps temporarily…” panimula ni Michelle sa kanyang post.

“I have decided to step away from these platforms indefinitely to work on myself and deepen my relationship with the Lord. Summer gave me an opportunity to look inward and reflect on myself,” pagpapatuloy pa ng aktres.

Best decision para sa aktres aniya ang silence, prayers at isolation para sa ikabubuti na rin ng kanyang mental health.

Pahayag ni Michelle: “The last couple weeks of silence, prayers and isolation has been the best decision for my mental health. Learning through meditation, community, sobriety, celibacy, and healing as I go through the journey of becoming the woman God intended me to be. You become what you consume.”

Sey pa niya na hindi niya mababasa ang mga mensahe ng iba kaya’t maaari raw siyang i-text sa personal number niya.

AUTHOR PROFILE