Eugene

Eugene hinangaan dahil sa pag-arte hindi sa magandang ilong

May 10, 2023 Aster Amoyo 225 views

KAHIT may nagsabi noon kay Eugene Domingo na magparetoke siya ng ilong, hindi niya ito ginawa dahil alam niyang mas makikilala siya sa kanyang talent sa pag-arte at hindi dahil sa gumanda ang ilong niya.

Kinuwento ni Uge na ang nakapansin ng kanyang kakulangan sa ilong ay ang direktor na si Tony Mabesa. Napanood kasi ni Mabesa si Uge sa pelikulang “Emma Salazar Case” in 1991.

“We watched in the movie house. When we saw each other, sabi niya sa akin, ‘Ayaw mo bang magpa-nose lift?’ Napanood kita sa sine.

Kailangan may ilong ka nang kaunti,’” pagbalik-tanaw ni Uge.

Hindi naman daw ikinasama ng loob ni Uge ang naging obserbasyon ni Mabesa sa kanyang ilong. Alam niyang maganda ang intensyon nito sa ibinigay na suggestion,

“Never ko siyang na-consider. He wanted me to be improving in that aspect, baka may iba siyang gusto for me. But later on, he realized this face is the face that showbiz needs,” sey ni Uge na nanalo ng maraming best actress awards na hindi niya kailangan magpa-noselift.

Kim nag-trending bilang ka-love triangle

KimHINDI inakala ng Sparkle artist na si Kim Perez na magte-trending siya pagkatapos magkaroon ng love triangle sa GMA primetime teleserye na “Hearts On Ice.” Ginagampanan ni Kim ang role na Bogs, ang best friend ni Enzo (played by Xian Lim) na naging secret admirer ni Ponggay (played by Ashley Ortega).

Natuwa’t nagulat si Kim sa turnout ng istorya ng kanilang teleserye. Unexpected daw na biglang naging bet siya ng netizens para kay Ponggay.

Bigla tuloy nagkaroon ng Team Bogs dahil marami ang kinilig sa kanila ni Ashley. Pero siyempre nandiyan pa rin ang Team Enzo dahil may magandang chemistry sina Xian at Ashley. Nahati tuloy ang netizens kung kanino nila gustong mapunta si Ponggay. Kung sa moreno hunk na si Bogs o sa tisoy debonaire na si Enzo.

“Maraming salamat sa Team Bogs dahil sa suporta nila sa pagmamahal ko kay Ponggay sa istorya. May the best man win sa amin ni Enzo,” sey ni Kim na malaki ang paghanga kay Xian bilang isang aktor at direktor.

Anjo empleyado na sa Senado: Pang-araw-araw lang na pagkain

AnjoEMPLEYADO na pala si Anjo Yllana sa Senado at nagpapasalamat siya kay Senator Jinggoy Estrada na tumulong sa kanya.

Inamin ni Anjo na hindi sapat ang kinikita niya sa kanyang career sa showbiz ngayon at kailangan pa rin niya ng ibang trabaho para sa pang-araw-araw na gastuhin. Kaya naisipan niyang mag-apply kay Senator Jinggoy.

“Sabi ko, ‘Sen, wala akong trabaho, baka naman puwede.’ E, mga dalawang linggo, tinanggap na niya ako. Itong pagpasok ko sa Senado, talagang pangkain ko lang sa araw-araw. Bilang empleyado ako dun, pumapasok ako every day,” pahayag ni Anjo.

Dahil sa pagtrabaho niya sa Senado, naging close daw sila ulit ni Senator Robin Padilla.

Nagkaroon kasi ng hindi magandang history sa pagitan ni Anjo at sa Padilla family noong 1993. Dating magkalapit lang ang bahay ng mga Yllana at Padilla sa Quezon City. Pero dahil sa isang insidente, napilitan na lumipat sa Paranaque City ang pamilya ni Anjo.

“Matagal na kami naging maayos. Civil lang. Siyempre nagkasamaan ng loob, may mga baril-barilan pa nga nung araw. Ang alam ko lang nun, panghabambuhay na kaming ‘hi, hello’ na lang o dedma. Matindi kasi ang nangyari nun. Pero nung nagkita kami sa Senado, sabi niya sa akin, ‘Tol, tumakbo ka ng senador.’ Sabi ko, ‘Hindi, pang-local lang ako, hindi ako pang-national.’ Sabi niya, ‘Hindi, mahal ka ng mga tao, tumakbo ka,’” kuwento pa ni Anjo.

Lyka may plano na sa napanalunang pera

LykaPARA sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ grand winner na si Lyka Estrella, may mga plano na raw siya para sa mga premyo na natanggap niya.

Kabilang na rito ang P1 million cash, a recording contract with ABS-CBN Music, talent management contract with Polaris of Star Magic, at brand new house and lot worth P2.5 million.

Una raw naisip ni Lyka ay ang magkaroon ng business para sa kanyang pamilya para meron daw silang steady income.

“Ang unang-una kong gagawin ko sa prize ay magbi-build ako ng business. Kasi ‘yung life natin is up and down,” sey ni Lyka na binigyan ng bonggang welcome sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong nakaraang Linggo.

Nagkaroon na rin daw ng panahon si Lyka na makasama ang pamilya na mag-celebrate ng kanyang pagkapanalo. Pinasalamatan din niya ang mga taong hindi nagsawang suportahan siya sa simula pa lang ng ‘TNT’ journey niya sa noontime show na ‘It’s Showtime’.

“Sa mga fans ko, sa mga supporters ko, thank you so much everyone. I love you and sana magkita-kita tayo soon,” sey pa ni Lyka na pinaplano na rin ang homecoming niya sa General Santos City.

AUTHOR PROFILE