
Erap, walang sakit — Jinggoy
ITINANGGI ni UniTeam senatorial aspirant Jinggoy Estrada ang bali-balitang may sakit ang ama niyang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.
Sa isang intimate virtual interview, nilinaw ni Jinggoy na fully recovered na ang daddy niya mula sa pagkakaroon ng Covid-19 nu’ng nakaraang taon.
“My dad has fully recovered since last year when he contracted Covid- 19. He was confined for a month in the hospital exactly last year, from March 26 up to April 26,” aniya.
Ang mommy daw niyang si former Senator Loi Ejercito ang medyo hindi pa nakaka-recover sa pagkakasakit mula pa nu’ng bago mag-pandemic.
“So she’s wheelchair-bound and she’s 81 years old and dad is turning 85 next week,” paglilinaw pa ni Jinggoy.
Inulit niya na nasa mabuti at maayos na kalusugan si former Pres. Erap, “Wala, wala namang sakit. Tsismis lang ’yon.”
Sa nasabi ring interview ay nabanggit ni Jinggoy na nalulungkot siya para sa napakatamlay na lagay ng pelikulang Pilipino sa ngayon.
Aniya, “I pity them because it has been probably 10 years since the movie industry hasn’t picked up. It’s only television that’s been making money.
“Our movies already is in shambles, kumbaga. Walang masyadong nagpo-produce ng pelikula, especially now, ’yung because of the pandemic, lalo ano, lalong hindi gaanong nakakapagbigay ng trabaho sa ating mga crew, sa ating mga artista.
“Siyempre, sigurado lugi. Siguradong lugi, lalo na nu’ng nag-produce kami nu’ng two years ago, tinamaan ng pandemic, so how can you show? Kaya kawawa rin ’yung mga movie producer.
Nobody wants to gamble.”
Kung siya raw ang tatanungin, willing pa rin siyang magbalik-pelikula pagkatapos ng eleksyon sa May 9.
“Bakit hindi? Siyempre ang dugong nananalaytay sa mga Estrada, eh, pag-aartista pa rin. Anyway, Jake (Ejercito) is already there. I wish him good luck. Jolo, my son, is already there, so mana-mana lang ’yan. Pero ako naman, pwede pa naman ako kahit papaano,” ani Jinggoy.
Ang magiging concern lang niya sakaling palarin na makabalik sa Senado ay, “I will concentrate first on my job as a senator before deciding whether to conitnue acting in the movies or not.”
Para kay Jinggoy, matagal nang nane-neglect ng gobyerno, kahit bago pa ang administrasyong Duterte, ang movie industry.
Kaya para sa kanya, panahon na para bigyang-tulong ng gobyerno ang pelikulang Pilipino, lalo na ngayon na kailangan nitong makabangon mula sa pagkakadapa sa panahon ng pandemya.
Dapat daw i-subsidize ang mga proyektong may kabuluhan dahil nariyan man ang Film Development Council of the Philippines, sa pangunguna ng chairperson na si Liza Diño, hindi pa rin sasapat ang suportang nakukuha rito.