Enrollment

Enrolled students pumalo na sa 16.8M — DepEd

August 21, 2023 People's Tonight 170 views

LUMAMPAS na sa 16.8 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagparehistro para sa school year 2023-2024, ayon sa bagong tala ng Learner Information System (LIS) Quick Count ng Department of Education (DepEd) noong Lunes.

Ayon sa DepEd, nakapagtala ng pinakamaraming nagparehistro sa Region IV-A na mayroong 2,858,606, at sinusundan ito ng National Capital Region (NCR) na may 2,220,470 na mag-aaral.

Sa Region III, umabot sa 1,868,161 ang mga nag-enroll, at sa Region VI ay mayroong 1,435,047 na nagparehistro.

Mayroong 1,255,918 na mga estudyante sa Region VII, at 1,033,543 naman sa Region V.

Ngunit sa Cordillera Administrative Region (CAR), pinakamababa ang bilang ng mga nagparehistro na umabot lamang sa 196,884.

Ang proseso ng enrollment ay magpapatuloy hanggang Agosto 26, 2023.

Samantala, ang pagbubukas ng klase ay sa darating na Agosto 29, Martes.

AUTHOR PROFILE