LTO

Enero-Mayo kolekta ng LTO tumaas ng 34%

June 7, 2024 Jun I. Legaspi 214 views

NAKAPAGTALA ang Land Transportation Office (LTO) ng mahigit 34% increase sa revenue collection mula Enero hanggang Mayo 2024 kumpara noong 2023.

Mula sa P12.8 bilyong revenue collection mula Enero hanggang Mayo 2023, ipinakita ng datos ng LTO na ang revenue collection para sa parehong period ngayong taon humigit-kumulang P17.19 bilyon sa unang limang buwan ng 2024.

Pinuri ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng mga regional directors at iba pang opisyal at tauhan ng ahensya.

“Under the guidance of our DOTr Secretary Jaime J. Bautista, we will sustain our efforts to accomplish our revenue collection target because this target revenue is essential in the delivery of basic services to the Filipino people,” dagdag niya.

Nang umupo bilang pinuno ng LTO noong Hulyo 2023, agad na nagsagawa ng data analysis at financial assessment si Mendoza sa LTO na humantong sa konklusyon na mami-meet ang P33 bilyong koleksyon ng kita para sa 2024.

Agad na ipinatupad ang mga reporma sa patakaran at sa ilalim ng gabay ni Secretary Bautista at sa pamumuno ni Assec Mendoza, nagresulta sa 34.07% pagtaas ang unang limang buwan ng mga hakbang sa revenue collection.

Batay sa datos ng LTO, lahat ng pinagkukunan ng kita ng LTO nagtala ng makabuluhang pagtaas—15.33% pagtaas sa Motor Vehicle User’s Charge (mula P8.6 bilyon hanggang P9.9 bilyon); at 10.50% pagtaas sa mga transaksyon ng lisensya sa pagmamaneho (mula P1.479 bilyon hanggang P1.634 bilyon).

Ang mga agresibong aktibidad sa pagpapatupad ng batas ay nagresulta din sa 25.26% na pagtaas para sa kita mula sa Law Enforcement and Traffic Adjudication System at 128% na pagtaas sa iba pang revenue sources ng ahensya.

“So I encourage each and every member of the LTO family to do our share in accomplishing this goal para sa bayan, para sa mamamayang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE