Ellen Larawan mula sa IG/@ maria.elena.adarna

Ellen : My husband can’t shut his mouth’\

December 21, 2023 People's Tonight 329 views

INAMIN ng aktres na si Ellen Adarna na wala siyang balak ibahagi sa publiko ang balitang nakaranas siya ng pregnancy loss sa magiging anak sana nila ng model-actor na si Derek Ramsay.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Derek sa isang press conference na nakunan ang unang pagbubuntis ni Ellen sa kanilang baby.

“When we found out that Ellen was positive, days after, nagkaroon siya ng spotting. Then, we lost the baby,” sey ng ‘Kampon’ actor.

Nagpa-Q&A session sa kanyang Instagram stories si Ellen kung saan isang netizen ang nagpadala ng tanong patungkol sa kanyang pregnancy loss at kanyang plano sa pagbubuntis.

“Hi Ellen, I’m sorry for your loss. How are you now? What is your next plan for pregnancy?” tanong ng netizen.

Sa isang video sinagot ng aktres ang nasabing tanong at sinabing wala raw siyang balak ianunsyo ang susunod niyang pagbubuntis.

Hirit pa nga niyang hindi kayang manahimik ni Derek sa kanyang pagbubuntis kaya’t biro niyang hindi niya sasabihin sa asawa ang susunod niyang pregnancy.

Ibinuking pa niyang nagkaroon siya ng anxiety matapos isiwalat ni Derek sa publiko ang nangyari sa kanyang pagbubuntis sa kanila sanang magiging anak.

“I’m okay. I had no plans announcing it, to be honest, and if ever, I’m not going to announce it. Ma-shock na lang kayo na may baby na,” sey ni Ellen.

“Yeah, but my husband can’t shut his mouth. The day he told me that he mentioned it and talked about it, it actually gave me anxiety. Because, oh my God, why? So my plan is when I get pregnant, I’m not gonna tell my husband,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE