
Ellen at Derek in-love na in-love sa isa’t isa
LAST Friday morning after his sunset wedding (last Thursday, November 11 sa Rancho Bernardo Luxury Villas in Bagac, Bataan) to his brand new wife Ellen Adarna ay agad nag-post ang actor na si Derek Ramsay ng picture na hinahalikan niya sa pisngi ang natutulog pa niyang wife.
“Waking up to this beautiful woman every morning is such a blessing. I love you Mrs. Ramsay,” message ni Derek sa kanyang post.
In another picture post, narito ang mensahe ng actor.
“Cheers to my beautiful future. I love you my dear wife!,” patungkol ni Derek sa kanyang bagong misis.
Samantala, eversince magkaroon ng relasyon sina Derek at Ellen, itinuturing na niyang parang tunay na anak ang three-year old na si Elias Modesto, anak ng actress sa actor na si John Lloyd Cruz. Kaya close na close na rin ang bata kay Derek.
Si Elias ang tumayong ring bearer sa kasal habang si Scarlet Snow Belo Kho – 6 (anak ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho) ang tumayong flower girl.
Although wala pang isang taon ang relasyon ng bagong kasal na sina Derek at Ellen, kitang-kita sa dalawa ang pagiging in love nila sa isa’t isa.
John Lloyd may bagong inspirasyon
ALTHOUGH wala pang lumalabas na pictures na magkasama silang dalawa, marami ang naniniwala na may bagong inspirasyon ngayon ang actor na si John Lloyd Cruz, ang award-winning visual artist na si Isabel Santos na nagmula sa prominenteng pamilya ng mga kilalang pintor.
Kilala si John Lloyd sa pagiging art patron at pagkakaroon ng sarili niyang art collection kaya hindi kataka-takang mag-krus ang kanilang landas ni Isabel.
Dahil sa mapanuring pagsubaybay ng netizens sa mga post ni Isabel kung saan may mga post ito ng isang `mystery guy’ na tumutugma sa figure ng actor na si John Lloyd gayundin sa bahay ng actor in Antipolo at rest house nito in Batangas. Nariyan pa ang larawan na kasama ng actor ang dalawang favorite dogs ni Isabel na sina Noah at Benny sa kanyang sasakyan. Dahil dito, naniniwala ang marami na si Isabel ang bagong inspirasyon ng actor.
Dahil sa kanyang bagong inspirasyon, ganado na naman ang actor na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Muli siyang mapapanood sa isang weekly sitcom sa GMA na nakatakdang idirek ng singer, actor at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.
Taunang MMFF parade balak gawin sa Pasig River
NAGBUBUNYI ngayon ang maraming taga-industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa pagbabalik ng taunang Metro Manila Film Festival sa mga sinehan sa darating na Pasko, December 25, 2021 na tatagal hanggang January 7, 2022.
Kung noong isang taon ay naging matumal ang reception ng publiko sa kauna-unahang virtual MMFF, inaasahan na unti-unting manunumbalik ang interes ng mga manonood sa mga sinehan na muling nagbukas at a minimal capacity simula nung November 10, 2021.
Narito ang listahan ng walong opisyal na kalahok sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF): (1) “A Hard Day” (Philippine adaptation ng Korean movie of same title) na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo under Viva Entertainment; (2) “Big Night” na pinagbibidahan ni Christian Bables mula sa direksyon ni Jun Robles Lana. Ito’y magkakatulong na prinudyos ng Cignal Entertainment, IdeaFirst Company, Octobertrain Films at Quantum Films; (3) “Love at First Stream” ng ABS-CBN Films and Kwentolabs, Inc na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Ito’y tinatampukan ng mga baguhang actor na sina Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner at Kaori Oinuma; (4) “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine)” na dinirek ni Carlo Francisco Manatad and produced ng Cinematografica, Plan C at House on Fire. Ito’y pinagbibidahan nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla; (5), “Nelia” na dinirek ni Lester Dimaranan under A & Q Production Films at tinatampukan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing; (6) “Huwag Kang Lalabas” na dinirek ni Adolf Alix, Jr. at tinatampukan nina Kim Chiu, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez; (7) “The Exorsis” na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at dinirek ni Fifth Solomon under Tincan Productions at ang (8) “Huling Ulan sa Tag-araw” ng Heaven’s Best Entertainment and GMA Pictures at pinagbibidahan ng rumored sweethearts na sina Ken Chan at Rita Daniela at pinamahalaan ni Louie Ignacio.
There were almost twenty finished film entries submitted to the screening committee ng MMFF.
Samantala, pinag-uusapan pa hanggang ngayon ng bumubuo ng MMFF committee kung ang taunang Parada ng mga Artista ay gagawing fluvial parade sa Pasig River na first time mangyayari sa kasaysayan.
Anne hinihintay pa rin ng mga producer
COME March 2, 2022 ay magda-dalawang taon na ang baby ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang una sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN maging sa paggawa ng pelikula. Ito’y dahil gusto lamang proteksyunan ng actress-host ang kanyang first born at pamilya sa pandemya. Pero inaasahang babalik ito early next year.
Ang tanging ginagawa niya ay shoots for her product endorsements pero patuloy siyang nakakatanggap ng pitch projects from her home studio, ang Viva at kasama na rito ang isang film project na iku-co-produce ng GMA Films.
Ayon sa top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario, mananatili umano si Anne sa “It’s Showtime” pero pagdating sa paggawa ng pelikula ay bukas siyang gumawa sa iba in co-production with Viva.
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.