Sanya

Sanya, sa Laguna magpa-Pasko

November 13, 2021 Ian F. Fariñas 241 views

LOOKING forward ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa Pasko ngayong taon dahil malamang na magkaroon siya ng tsansang makauwi sa Laguna para makasama ang pamilya at madalaw ang kanyang lola.

Sa virtual mediacon para sa Daig Kayo ng Lola Ko feature na pinagbibidahan ni Sanya, ang Oh, My Oppa, sinabi rin niya na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagsimula na siyang mag-decorate ng Christmas tree sa bago niyang bahay bago magsimula ang kanyang lock-in taping.

May trabaho raw kasi siya hanggang December 22 kaya sa malamang, December 23 na siya makapag-shopping ng kanyang mga pangregalo.

Bluish ang napiling theme ng aktres para sa Christmas tree niya ngayong taon at bilang first time nga niyang makapag-decorate, eh, talagang na-enjoy daw niya ang experience.

“Dati kasi, nakiki-decorate lang ako,” banggit pa ni Sanya.

Anyway, sa Oh, My Oppa, ginagampanan niya ang karakter ni Grace, isang hotel manager na avid K-drama fan.

Dahil ayaw mapag-iwanan ng ex (Jon Lucas) na kasamang nag-check-in sa pinagtatrabahuhan niyang hotel ang bagong GF, bibili siya ng robot Oppa (Gil Cuerva) na pinangalanan niyang Gong Yoon Bin.

Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, ang Daig Kayo Ng Lola Ko’s Oh My Oppa ay napapanood tuwing Linggo, 7 p.m., sa Kapuso network.

Kasama rin sa cast si Derrick Monasterio bilang disabled na si Toti, co-worker ni Grace sa hotel na may lihim na pagmamahal sa kanya.

AUTHOR PROFILE