Danao Tinatanggap ni PMaj.Rommel S. Anicete, Chief ng CIS ng MPD, ang kanyang Best Special Award mula kay Chief PNP, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Nakamasid naman si NCRPO Chief Police Maj.Gen.Vicente D. Danao at MPD Director PBGen.Leo M. Francisco. Kuha ni JON-JON REYES

Eleazar pinarangalan MPD cops sa command visit

October 19, 2021 Francis Naguit 502 views

PORMAL na nagtungo si Chief PNP Police General Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar sa himpilan ng Manila Police District (MPD) upang magsagawa ng kanyang huling command visit sa mga kapulisan ng Metro Manila.

Kasabay nito ay pinarangalan ni Eleazar ang mga kapulisan ng MPD.

Kabilang sa mga naparangalan ay sina PCol. Alex C. Daniel bilang Best Senior Police Commissioned Officer, PLT.Col. Noel C. Aliño, Best Senior Police Commissioned Officer for Operations, PLT Col. Harry Ruiz Lorenzo III ng MPD Station, 7 Best Junior Police Commissioned Officer for Administration, PCpt. Jervies C.Soriano,Best Junior Police Commissioned Officer for Operations;

PLt. Veronica F.Apresurado, PLt. Arniel A.Buraga, para sa Outstanding Skills sa kanilang trabaho sa intelligence Operations, PLt. Dennis N.Turla, Outstanding Performer in the field Special Administrative concerns over all ng DIDM-MPD, PCpl.Ezekiel T. Nepomuceno, para sa outstanding skills at invaluable service at sa pagkakahuli ng Most Wanted Person na si Ricardo Bantolo,

Police Master Sgt. Redentor T. Dela Cruz,Best Senior Police Non-Commissioned Officer for Admimistrstion, PSMS Karlsten C.Delfin, Best Senior Police Non-Commissioned Officer for Operations, PCpl.Mc cartley T. Maguigad, Best Junior Police Non-Commissioned for Administration, at Pat. Ricardo T. Razon, Best Junior Police Non-Commissioned for Operations.

Maging mga non-uniformed personnel ay nabigyan din ng parangal. Kabilang dito sina Rosalie D. Sta Maria at Clara Susan D. Castillo bilang mga best Non-Uniform Personnel For Non- Supervisory Level.

Kabilang naman si Police Maj. Rommel S. Anicete, Chief ng CIS ng MPD, na nakakuha ng Best Special Award dahil sa mga kanyang katanyagan at pagbibigay pag-asa na magampanan ang misyon ng Pinakamahusay na Pulis Maynila sa larangan ng imbestigasyon. Ito ay kung saan ay nag-aambag sa mabilis na paglutas ng kaso sa pamamagitan ng kanyang husay at komprehensibong paghanap ng katotohanan na nagresulta sa solusyon ng mga mataas na profile na kaso sa MPD.

Pinangunahan ni MPD Director PBGen. Leo M. Francisco at NCRPO Chief Police Maj.Gen.Vicente D. Danao Jr,.ang mainit na pagtanggap Gen. Eleazar.

Personal na nagtungo si Eleazar sa MPD upang suriin ang katayuan ng mga tauhan ng pulisya at masiguro ang ganap na pagpapatupad ng Intensified Cleanness Policy ng PNP.

Naglaan din si Gen. Eleazar ng oras upang maihatid ang kanyang mabungang “TALK TO MEN” sa mga kalalakihan at kababaihan ng MPD upang magsilbi bilang kanilang moral booster.

Pinangunahan niya ang pagbibigay ng mga parangal sa karapat-dapat na MPD personnel bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 pagdiriwang ng Police Service Anniversary. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE