El Nino Source: Department of Agriculture

El Nino tatagal hanggang Agosto

March 26, 2024 Chona Yu 83 views

SA halip na hanggang Mayo, tatagal na ng hanggang Agosto ang nararanasang El Nino sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum, 48 na probinsya ang apektado ng drought at 24 ang makararanas ng dry spell.

Ilang probinsya naman aniya ang sabay na makararanas ng epekto ng El Nino at La Nina.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng kalihim sa publiko na patuloy na maghanda.

Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang DOSt na i-activate na ang El Niño Oscillation Online Platform (ENOP) na isang centralized “repository of data” para sa monitoring ng El Niño at La Niña phenomena.

Makikita aniya ito sa website na https://[email protected].

“The citizens can also report what they observe on the ground and there’s a citizen survey that can be used – there’s a QR code in the website – and this can be easily accommodated through a dashboard,” pahayag ni Solidum.

May exclusive dashboard o platform aniya ang local government units para sa mas detalyadong reporting ng sitwasyon sa kanilang lugar.

Makikita rin sa website ang forecast at epekto ng El Nino sa isang lugar.

AUTHOR PROFILE