Shaira

EA at Shaira, ayaw matulad sa KathNiel

December 9, 2023 Vinia Vivar 169 views

Ikinalungkot ng magdyowang Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman ang paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon kay Shaira sa panayam niya sa kay Boy Abunda, pareho sila ni EA na fan ng KathNiel.

“Wala akong pinalampas na movies at teleserye nila. Pinapanood talaga namin. So, nalungkot ako and at the same time, napa-question ako na ‘ano kayang nangyari?’ ‘di ba? So, lahat tayo napapatanong,” ani Shaira.

Medyo matagal-tagal na rin ang relasyon nina EA at Shaira at ayon sa Kapuso actress, siguro naman ay hindi sila mauuwi sa hiwalayan tulad sa KathNiel.

“Sabi ko nga ‘Baba (EA), ‘di naman siguro tayo magiging ganito ‘no?” sabi ni Shaira.

Siniguro nga nila na hindi mangyayari sa kanila ‘yun dahil pinaplano nila ang mga bagay-bagay sa kanilang relasyon.

In-assure rin naman siya ni EA na maghihintay ito kahit ilang taon pa abutin.

“Kasi alam mo, ang maganda sa’ming dalawa ni Baba, pinaplano namin, inaalam namin kung ano ‘yung magiging timeline ng bawat isa para alam namin kung ano ‘yung next move namin Tito Boy.

“So kami, parang sinecure namin ‘yung isa’t isa na hindi mangyayari ‘yun, lalo na si Baba, kasi siya ‘yung lalaki. Sinecure niya na ‘kahit abutin pa tayo ng ilang taon, kung ‘di ka pa ready, maghihintay ako,’” ani Shaira.

AUTHOR PROFILE