Posas

Drug suspek timbog, P340K shabu nakumpiska

February 12, 2024 Steve A. Gosuico 131 views

GAPAN CITY–Isang pinaghihinalaang drug trafficker ang natiklo ng mga pulis sa syudad na ito at umaabot sa P340,000 halaga ng shabu ang nakuha sa buy-bust noong Sabado.

Sinabi ni Gapan City police chief Lt. Col. Wilmar Binag na isinagawa ang operasyon na ikinahuli ni alyas Amir, 37, sa Brgy. Mangino bandang alas-11:15 ng gabi.

Nagamit ng mga undercover na pulis ang P1,000 bill at 13 pirasong boodle money bilang marked money sa buy-bust na humantong sa pagkakaaresto sa suspek.

Anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000 ang nakuha sa suspek.

Nakatakas ang isa pang kasabwat ng suspek, si alyas Gagal, ayon kay Binag.

AUTHOR PROFILE