Drs.Vicki, Hayden renews wedding vows

November 3, 2023 Aster Amoyo 537 views

Hayden1Hayden2CELEBRITY dermatologists couple Dra. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho, Jr. renewed their wedding vows last October 29, 2023 for their 7th anniversary as a married couple in Baguio City where they attended a religious retreat.

The couple were in a relationship for twelve years before they got married in a civil wedding ceremony nung June 2017. Three months later, an elegant Christian wedding happened in the City of Lights, Paris, France in an American Church. The celebrity couple has an almost 9-year-old daughter na si Scarlet Snow Belo Kho na isang popular social media influencer.

Nagkakila sina Vicki at Hayden nung 2005 nang magsilbing judge ang celebrity dermatologist sa ‘Mr. & Miss Medicine” pageant ng University of Santo Tomas kung saan si Hayden ay isa mga contestants. At that time ay tinanghal na rin siyang Mr. UST at member ng varsity basketball team ng school. He was also the president of the Interns Association of the Makati Medical Center kaya maituturing na campus celebrity na noon si Hayden nang magkakilala ang dalawa.

Tulad ng ibang couple, dumaan din sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon pero ang lahat ng ito’y kanilang nalagpasan nang kanilang isuko ang kanilang mga sarili sa Diyos.

Bukod sa kanilang pagiging celebrity dermatologists, ang mag-asawa ay magkatuwang sa mga negosyong itinayo ni Dra. Vicki Belo na related sa kanilang profession.

Bumping into celebrities in Japan

ZubiriNAPAKALIIT talaga ng mundo! We accidentally bumped into Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Subiri nung midnight ng October 31 sa 24/7 duty free shop in Ginza, ang Don Quijote na katulad namin ay nag last-minute shopping.

According to him, he was on a vacation with his wife, Audrey Tan-Zubiri in Japan pero hindi niya ito kasama nang magkita kami sa DonQui. On same occasion and place, we also met MaryAnn Meiley and her American husband and some friends from the Philippines.

Late na kami nakarating sa DonQui dahil kararating lang din namin ng Tokyo from our two-day stay in Fukuoka.

Mga tunay na kaibigsn ni Alex

AlexAlex1Alex2Alex3Alex4KINU-CONSIDER ng award-winning actress, writer, director and producer na si Alessandra de Rossi sina Piolo Pascual at Empoy Marquez as two of the closest persons sa kanya in showbiz. Ang dalawang ito ang siyang nakakakilala at nakakaunawa sa tunay niyang pagkatao maging sa kanyang ‘kabaliwan’.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi, una umano silang naging close ni Piolo nang gawin nila ang 2016 movie na “Hele Sa Hiwagang Hapis” na dinirek ni Lav Diaz in 2016 na nasundan nang gawin nila ni Empoy Marquez ang “Kita Kita” indie movie in 2017 produced by Spring Films headed by the actor-producer na si Piolo. Sa nasabi namang pelikula sila nagkalapit ni Empoy na isa ngayon sa kanyang itinuturing na best friend bukod kay Piolo.

“I can be myself pag silang dalawa ang kasama ko,” pag-amin pa ni Alex.

“ I have no dull moments pag kasama ko ang isa sa kanila,” aniya.

Ang pelikulang “Kita Kita” na pinamahalaan ni Sigrid Andrea Bernardo ay tumabo sa takilya ng P320M when it was shown in 2017 making the movie the highest grossing independent movie of all time. Dahil dito, binigyan sina Alex at Empoy ng tig-P1M bonus ng Spring Films na pinamumunuan mismo ni Piolo.

“It changed everything!,” pahayag ni Alex.

“Maraming opportunities ang nabuksan,” dagdag pa niya.

Si Alex ay pangalawa sa apat na magkakapatid na lahat babae. Panganay si Assunta de Rossi, kasunod siya, pangatlo si Maggie at bunso naman si Isabel na siyang kasama ngayon in Italy ng kanilang Italian father na si Luigi Schiavone at Filipina mom na si Nenita Tiotangco-Schiavone.

Ang mga kapatid niyang sina Maggie at Isabel ay kuhang-kuha umano ang Italian culture kaya mas gusto nilang mamirmihan sa Italy kesa sa Pilipinas. Kaya silang dalawa lamang ni Assunta ang naka-base sa Pilipinas.

Assunta is now married to businessman and former politician Jules Ledesma with whom she has a three-year-old daughter na si Fiore habang nananatili namang single si Alex who put up her own production company, ang A World of Our Own (AWOO).

Although isa ring mahusay na actress si Assunta, mas focused ito ngayon sa kanyang pagiging hands-on wife to her husband na si Jules at pagiging ina ng kanilang anak na si Fiore maging sa kanyang two grown-up step-children sa namayapang unang misis ng kanyang mister.

Alex, on the other hand is more focused sa kanyang career bilang actress, writer, director and producer.

Alex co-starred with Piolo in the movie “My Amanda” na siya rin mismo ang nag-direk and co-produced with Spring Films and she’s looking forward to more collaborations with the actor-producer.

Matapos ang kanilang reunion movie na “Walang Ka-Paris,” Alex is working anew with Empoy sa kanilang kauna-unahang comedy sitcom sa Net25, ang “May for Ever” na pinamamahalaan ni Nico Faustino with Henry Maceda as head writer. The weekly sitcom starts airing on January 2024.

Gusto rin umano niyang muling makasama si Empoy in a movie na siya rin mismo ang magdidirek and maybe will co-produce.

Posible bang ma-in love si Alex kay Empoy?

“Yung totoo? Bakit ko naman gagawin `yon may pera naman ako,” natatawang tugon ni Alex.

Nang balingan naman namin si Empoy at tanungin kung may posibilidad bang ma-in love siya kay Alex?

“Yuck!” ganting tugon ng komedyante.

Pero ang nakakatuwa ay ang kakaibang friendship na nabuo ng dalawa.

“We will be there for each other anuman ang mangyari,” diin ni Alex.

Bukod kina Piolo at Empoy, kinu-consider ding close friends ni Alex sina Maxene Magalona, Lovi Poe at Karen de los Reyes.

Isa rin sa mga hinahangaan ni Alex ay ang actor na si JM de Guzman na nakatrabaho niya sa pelikulang “What If” na palabas ngayon on Netflix. Aabangan din sa Netflix ngayong November 24 ang “Replacing Chef Chico,” isang romantic-drama movie na sinulat ng writer-director na si Antoinette Jadaone kung saan kasama ni Alex sina Piolo at Sam Milby.

One of the busiest actresses in town, Alex has new other materials na gusto niyang simulan either for theatrical release or for Netflix streaming.

Speaking of Alex, catch her on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel kung saan siya sinorpresa ng kanyang ka-tandem na si Empoy Marquez.

Mga kaanak ni Joey naghahanap pa rin ng tulong

SUMAKSBILANG buhay nung nakaraang October 29, 2023 ang theater, film and TV actor-comedian, singer, filmmaker, playwright at TV host na si Joseph Estrada Paras na mas kilala as Joey Paras sa edad na 45. He died of heart failure.

Si Joey ay nagtapos ng mass communication sa University of Sto. Tomas. Siya ang nagsulat ng “Bawal Tumawid, Nakakamatay” na napasama sa 7th edition ng Virgin Labfest.

Nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad ng “Last Supper No. 3” nung 2009, “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki” nung 2013, “Working Beks” in 2016, “Born Beautiful” in 2019 at “Ayuda Babes” nung 2021. Naging bahagi rin siya ng musical play na “Zsa Zsa Saturnnah” nung 2006. Produkto rin siya ng Tanghalang Pilipino.

Ang mga labi ni Joey ay kasalukuyang naka-burol sa St. Peter’s Memorial Chapel in Scout Chuatoco in Quezon City at patuloy pa ring nangangalap ng financial help ang mga kaanak ng actor-comedian for his unpaid medical bills and burial expenses.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE