Jun

Dr. Love, tutol sa pag-demolish ng ABS-CBN HQ

March 15, 2023 Ian F. Fariñas 892 views

LIMANG dekada na sa radyo si Bro. Jun Banaag, mas kilala sa bansag na “Dr. Love” dahil sa noo’y love advice program niyang nag-evolve na into a public service show.

Sa limang dekadang ‘yon, 24 years ang itinagal niya sa ABS-CBN station na DZMM. Kaya naman kahit parte na siya ngayon ng 92.3 Radyo5 True FM, aminado si Bro. Jun na mahal niya ang dating home network.

Katunayan, suot pa rin niya ang Kapamilya anniversary ring at bracelet sa katatapos na grand relaunch ng Radyo5. Inamin din niya na tutol siya sa pagde-demolish ng ABS-CBN headquarters sa Quezon City.

“Abs-cbn has been a part of my life. Nakakalungkot lang talaga na nawala ‘yung franchise,” panimula niya.

Iconic na nga raw ang main building dahil “when you speak of broadcast industry in the Philippines, ‘yun ang makikita mo, eh, abs-cbn. Well, decision na ‘yan ng mga Lopezes, ‘no? If they think na mas magiging productive kung ide-demolish sila, pero sana i-preserve because, when you speak of broadcast industry in the Philippines, you speak of ABS-CBN. Ang daming artista, ang daming celebrity, ang daming personalities ang binuo ng ABS-CBN. Nakakalungkot lang talaga because of politics, ito ang nangyari,” panghihinayang ni Bro. Jun.

Anyway, bitbit ni Dr. Love sa 92.3 Radyo5 True FM ang orihinal niyang radio show. Kasama ng Sana Lourd ni Lourd De Veyra, Power and Play ni Noli Eala at Pinoy Konek ni Danton Remoto, ibabahagi nito ang mga kwento ng tunay na buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Ang iba pang pambato ng istasyon ay ang Bangon Bayan with Mon ni Mon Gualvez, Ted Failon & DJ Chacha, Frontline Pilipinas nina Ted Failon at DJ Chacha, ang flagship news program na Radyo5: Balita Pilipinas, Wanted sa Radyo ni Sen. Raffy Tulfo, Sagot Kita ni Cheryl Cosim, Healing Galing ni Dr. Edinell Calvario, Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at Good Vibes nina Stanley Chi at Laila Chikadora.

Ang 92.3 Radyo5 True FM ay napapakinggan on-air at live nationwide.

AUTHOR PROFILE