Leachon Dr. Anthony ‘Tony’ Leachon: “Fake news, fake items, fake medicines which are being peddled by bad people will give us fake results. This is an emergency because the danger is real. Unregistered products can harm, injure or even kill unsuspecting customers/patients. This is an urgent situation because the lives of many people are at stake.”

DOC LEACHON: FAKE MEDICINE NAKAMAMATAY!

July 19, 2023 Camille P. Balagtas 1537 views

DELIKADO at nakamamatay ang pekeng medicine.

Fake1

Fake2
Mga pekeng endoresement na ginagamit ang sikat na celebrity doctor na si Doc. Anthony ‘Tony’ Leachon.

Ito ang mariin na salitang binitiwan ng medical expert at kilalang influencer na si Dr. Anthony “Tony” Leachon bilang babala sa mga taong mahilig bumili ng gamot at iba pang inaakalang pampalakas ng katawan na karamihan ay nakikita ngayon sa social media.

Ayon kay Doc Leachon, ang walang humpay na pagbaha ng mga produktong hindi aprobado ng Food and Drug Administration at walang kaukulan na papeles ay dapat mabigyan ng kaukulang solusyon upang mahinto ang patuloy na pagdami nito sa merkado ng social media na bumibiktima sa maraming inosenteng mamamayan.

“Fake news, fake items, fake medicines which are being peddled by bad people will give us fake results. This is an emergency because the danger is real. Unregistered products can harm, injure or even kill unsuspecting customers/patients. This is an urgent situation because the lives of many people are at stake.” giit ni Doc Leachon.

Matatandaan na mismo ang Senado ay naghayag ng pagkabahala sa pagdagsa ng maraming pekeng pagkain, gamot at iba pang produktong walang kaukulang papeles na bumibiktima sa maraming tao na hindi batid na pekeng celebrity endorsement lamang ang kanilang nakikita sa social media.

Sa inihaing Senate Resolution No. 666 ng dating aktor na si Senador Jinggoy Ejercito Estrada, tinawag niyang “alarming” ang pagkalat ng mga pekeng anunsyo na ginagamit ang mga larawan at pangalan ng mga celebrity nang walang paalam.

Pinapalabas umano na iniendorso ng mga celeb ang mga hindi rehistradong mga produkto na umano’y nakagagaling at may magandang benepisyo sa katawan at kalusugan ng tao.

“These advertisements mislead consumers into believing that these celebrities are using and endorsing food and medicinal products that are actually unregistered before the proper health authorities and not yet approved for mass distribution and public consumption,” paliwanag ni Estrada sa kanyang resolusyon.

Pinuri at sinang-ayunan ang bagay na ito ni Doc Leachon sa pagsabing napapanahon na upang gumawa ng mas may ngipin na batas ang Kongreso para bigyan tuldok ang ganitong uri ng pananamantala at paglalagay sa peligro sa buhay ng nakararami nating kababayan.

“Paano natin sisihin ang maraming taong naniniwala dito? Social media is now the platform for information globally. Ideas are the currency of the 21st century. The consumers have problems to validate. They cannot discern. They are confused. Hindi natin alam at masabi kung photo editing at slicing na ang ginamit para makapanloko ang mga taong nasa likod ng ganitong modus.

Panahon na para talagang i-review and Cyber Crime Law na ipinasa 10 taun na ang nakakaraan. Napakarami na ang nangyaring pagbabago. Dapat bigyan ng mas matinding parusa at gawin mas masusi ang pag aaral para pantapal natin sa mga perpetrator na ito. Higher penalties at extensive approach na dapat,” ani Doc Leachon na inaming nakababahala ang pagbaha ng ganitong maling impormasyon sa social media.

Matatandaan na mismong si Senador Estrada ang nagsabing kailangan niyang ipatawag sina Leachon, Dr. Willy Ong at marami pang personalidad sa Senado upang malaman ang kanilang opinyon sa pagkalat ng ganitong uri ng panloloko sa social media sa ilalim ng naturang Senate Resolution No. 666.

“There is an urgent need to protect consumers against the consumption of unregistered and potentially harmful food and health products through the strict enforcement of the provisions of the Consumer Act and regulation of fraudulent advertisements on social media platforms,” dagdag pa ni Estrada

Para kay Leachon, bilang bahagi ng pag iingat ng sinumang bibili, mahalagang bisitahin muna ang official website ng produktong nais bilhin gayundin ang official website ng endorser upang makita kung tugma nga ang ads na lumalabas o mas mainam kung ma i message ang sinumang personalidad na tumatayang endorser sa pamamagitan ng official website nito para makapag ingat ng husto kung may katotohanan nga ito bagong magbitaw ng order online.

“Si Pangulong Marcos jr. nga mismo ay nagbibigay ng kanyang mga food stub sa marami nating kababayan para masiguradong alaga at malakas ang ating mga Pilipino. Samakatuwid, mahalaga ang kalusugan ng bawat isa. Ang DOH na kalihim sa kasalukuyan na si Doc Herbosa ay kilala rin bilang isang magaling na doktor na may mataas na pagpapahalaga sa kalusugan. Kaya importante ang pag-iingat natin sa ating kalusugan lalo sa mga binibili at kinakain natin. Kailangan aprubado ng gobyerno partikular ng Food and Drug Administration. At nararapat na siguro natin na repasuhin ang kasalukuyan batas para mabigyan ng tamang solusyon ang ganitong panloloko at pang aabuso ng iilan sa social media.” giit ni Doc Leachon.

Ikinuwento rin ni Leachon na maraming beses na syang tinanong ng iilang tao sa mga diumanong iniendorso niyang produkto tulad ng isang 80-anyos na pasyente niyang nagsabing ginamit niya ang pekeng produkto na may mukha ng nasabing celebrity doctor.

“Nakakalungkot dahil wala naman gaanong kaalaman ang mga matatanda na ganito kung paano nila ma va-validate? May isang pasyente pa nga na damaged ang kanyang liver at kidney dahil sa pekeng produkto. Yung isang kawawang pasyente ko nagamit ang kanyang SSS pension para lang makabili ng mga naturang pekeng produkto dahil talagang may kamahalan pa nga. At yung isang muntik na mabiktima ay doktor din dahil nakita rin ang mukha ko. Buti na lang nagtanong muna sa kapwa doktor namin at nag validate sakin. Nakakatakot ang ganitong bagay para sa kalusugan ng marami,” ani Doc Leachon.

Napapanahon na aniyang magkaroon ng tamang polisiya at matinding pagbabantay ng mga tamang sanggay ng gobyernong hahabol sa mga mga manloloko sa social media.

At ang Kongreso sa puntong ito aniya ang unang hakbang para masawata ang ganitong uri ng kriminalidad sa pamamagitan ng mas pinatinding parusa at mas detalyadong hakbangin na susundin ng mga awtoridad sa pagpapahinto at paghuli sa ganitong gawain.

“Alam naman natin na si Speaker Romualdez mismo very particular at aktibo sa mga batas na makatutulong sa kasalukuyan gobyerno at sa ating mga Pilipino. Gayundin naman ang Senado. Ang dalawang Kamara ay seryoso sa pagbibigay supporta sa ikabubuti ng bansa. Kailangan lang talagang pag ukulan ng pansin ang bagay na ito dahil binibiktima nito ang karamihang inosente partikular ang mga matatanda na walang gaanong kaalaman sa makabagong teknolohiya. This is something urgent and this is an emergency case for everyone to examine. and we need the knowledge and expertise of people who can help us draft the much needed law to stop this once and for all. This is evil!,” paliwanag ni Doc Leachon.

Samantala, ipinaliwanag ni Doc Leachon ang maaaring dahilan kung bakit ginagamit siya sa mga pekeng advertisements.

“I think the reason for using me as an endorser of their fake ads are the following: 1. My credibility as a clinician / physician and health reform advocacies; 2. Strong presence in social media and 3. Strong presence in tv , radio , and print media. When I asked AI or Artificial Intelligence and Chat GPT: Who is Dr. Tony Leachon ? Here’s the response, “Dr. Tony Leachon is a well-known Filipino physician and public health advocate. He previously served as a special adviser to the National Task Force against COVID-19 in the Philippines. Dr. Leachon is highly regarded for his expertise in health policy and his efforts in raising awareness about public health issues, including the COVID-19 pandemic. He has been recognized for his clear and evidence-based communication, which has made him a trusted source of informaiton and guidance during times of crisis.”