Default Thumbnail

Doble ingat sa iskamer

March 16, 2023 Mario Fetalino Jr. 360 views

Mario FetalinoNAGLABAS kamakailan ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng ACG-Cyber Security Bulletin NR 165.

Ang sabi, beware of “vishing scam”. Ito ay paalala sa mga Pilipino na mag-ingat sa dumaraming vishing scams kung saan gumagamit ang mga kawatan ng isang socially-engineered technique para sa pagnanakaw ng impormasyon o pera mula sa mga consumer gamit ang telephone networks.

Sa hirap ng buhay ngayon, talaga nga namang dumarami ang scammers. Pati ang mga nabibiktima sa kanilang mga scam ay dumarami.

Nagiging sophisticated na rin ang kanilang galawan. Kahit ako, hindi ko na rin alam kung tunay na nga ba ang mga SMS na nakukuha ko.

Baka nagpapanggap lang na isang lehitimong account upang makapang-loko ng kapwa.

Mabuti na lamang na inanunsiyo ng GCash na handa na silang i-roll out ang security feature na ‘DoubleSafe’ upang proktektahan ang kanilang mga users laban sa mga account takeovers.

Pinagtibay rin ng GCash ang kanilang pakikipagtulungan sa PNP-ACG. Patunay rito ang kanilang nilagdaang memorandum of agreement noon 2022 kung saan pinaigting nito ang laban kontra sa mga scammers.

Ang DoubleSafe ay makakatulong sa mahigit na 76 million users ng GCash upang maiwasan ang unauthorized account access. Maliban sa MPIN o mobile pin at one-time pin o OTP, kasama na rin ngayon ang facial recognition bilang isang karagdagang authentication bago mabuksan ang isang account sa ibang smartphone.

Ibig sabihin nito, kahit maibigay ng isang GCash user ang kanyang OTP at MPIN sa ibang tao, hindi pa rin mabubuksan ang kanilang account gamit ang ibang device hanggang hindi na-iiscan ang mukha ng may-ari.

Sabi ni GCash Head of Fraud Management Miguel Geronilla, ang GCash ay kaisa ng PNP-ACG sa pagtiyak na ang mga cybercriminals na ito ay mahuli habang pinapaalalahanan ang publiko kung paano pangalagaan ang kanilang mga account.

“Kasama ang mga awtoridad, iba pang mga ahensya ng gobyerno at ang aming users, masisiguro namin na GSafeTayo,” ani Geronilla.

Patuloy rin ang GCash sa kanilang security campaign na GSafeTayo sa pagbibigay ng kaalaman at tips para sa mga customers nito upang ma-protektahan nila ang kanilang mga account laban sa mga scammer.

Paalala ng GSafeTayo, maging maingat upang hindi mabiktima ng mga scammer. Alalahanin lamang ang mga sumusunod na tips:

Una, huwag magbukas ng mga unfamiliar links na nagsasaad na kayo ay may napanalunan na pa-premyo o di kaya’y may nagaantay na trabaho sa inyo na may malaking pasahod.

Pangalawa, huwag i-share ang inyong personal na impormasyon. Laging tatandaan na hindi tatawag ang GCash representatives at magtatanong ng inyong mga personal na impormasyon katulad ng MPIN o OTP.

Gagamit din ang GCash representatives ng mga official channels para kayo ay kontakin.

Pangatlo, i-double check muna ang mga online sellers bago kayo bumili. Huwag masilaw sa mga too-good-to-be-true sulit deals na inyong makikita. Ugaliing suriin muna nang mabuti ang seller at mag-check ng mga reviews para masiguro na hindi kayo maloko.

Upang mag-report naman ng mga scammers, pumunta lamang sa GCash Help Center gamit ang inyong GCash app o di kaya’y bumisita sa website na help.gcash.com/hc/en-u, talk to Gigi, at piliin ang “I want to report a scam.”

Mabuti na may mga ganitong initiative na ginagawa ang mga public at private sector. Sa panahon ngayon kung saan marami ang naghahangad ng mas maayos na buhay, dumarami naman ang mga manloloko para makapagnakaw at marami naman ang naloloko dala ng mensaheng nakakaakit gaya ng pagpanalo sa raffle o alok na trabaho na may malaking sahod.

Sino nga naman ang tatanggi?

Pero sa dami ng scammers ngayon, kailangan mas maging maingat at mapagmatiyag para hindi mabiktima ng mga ganitong mga uri ng modus.

Ingat lagi mga kapatid!

**

For comments, please call or text 09569012811 or email [email protected]

AUTHOR PROFILE