Lino

Direk Lino bet makatrabaho si Mark sa ‘StarStruck’ reunion movie

February 26, 2025 Ian F. Fariñas 190 views

MarkDimplesNAGBABALAK pala si Direk Lino Cayetano na pagsama-samahin ang “StarStruck” discoveries sa isang reunion movie.

Binanggit ito ng direktor/producer sa katatapos na red carpet premiere/mediacon ng horror/suspense thriller film na “The Caretakers,” co-produced ng Rein Entertainment at Regal Films.
Tsika ni Direk Lino na, incidentally, ay tumatakbo bilang kongresista ng Taguig-Pateros sa May elections, ipi-pitch pa lang niya ang ideya sa GMA-7, mother station ng “Starstruck,” o sa ibang produksyon tulad ng Regal na magiging interesado sa proyekto.

“Ako, it’s been 20 years. Parang interesting to have a reunion,” sambit ng direktor/producer.

Sakaling matuloy, sinabi ng press na magiging malaking tulong ito kay “StarStruck” Ultimate Male Survivor Mark Herras, na nag-trending ang pagsasayaw sa isang gay bar kamakailan.

Balik naman ni Direk Lino, “Well, ako ano, one thing na napag-usapan namin nu’ng ‘StarStruck,’ ano ’yung mga importante sa ating mga project, working hard, working for our families, being kind and (being) good people… so sa akin, noon pa man, sa libu-libong nag-audition sa ‘StarStruck,’ alam naman namin blessing na ang daming sumikat, o halos lahat ng 14 yata had work in show business. Pero alam naman natin ‘yung laban ng buhay is more than just show business. Ako, I admire, like, all of us. Parang we pursue different paths para itaguyod ’yung pangangailangan mo.”

Mensahe ni Direk Lino kay Mark, “Isa ka sa mga pangarap kong makatrabaho (na) leading man since we started out. Unang beses na nakita kita 10 years ago na sumasayaw sa dance floor, so sana mabigyan mo kami ng pagkakataon na we all make a movie together.”

Matagal-tagal na umano silang hindi nagkikita ni Mark mula nang lumipat siya ng ABS-CBN. Pero from time to time, nagkikita sila ng iba pang ‘StarStruck’ alumni gaya nina Cristine Reyes, Katrina Halili, Nadine Samonte, Sheena Halili, atbp.

Ang isa pang wish ni Direk Lino ay makatrabaho ang original creators ng ‘StarStruck’ dahil baka raw may ideya ang mga ito kung ano ang mas magandang istorya para sa reunion project ng grupo.

“Pero ang una muna is can we do this together?” diin ni Direk Lino.

Samantala, puring-puri ng mga nanood ng “The Caretakers” ang kahusayan nina Dimples Romana at Iza Calzado sa pelikula.

Talagang tagisan sila ng galing sa pag-arte bilang mga ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanilang mga anak.

Nakaw-eksena nga ang “harness scene” ni Dimples, lalo pa nga’t inamin nito na meron siyang fear of heights.

Magkaganu’nman, feeling blessed pa rin ang aktres dahil nag-effort ang Rein at Regal na alagaan siya habang nakabitin sa eksena.

“Hindi ako natakot na parang mahuhulog ako du’n, no. I know Rein Entertainment, I know Regal Films. I know there’s nothing for me to worry,” pahayag ni Dimples.

Anyway, nasa cast din ng “The Caretakers” ang loveteam nina Ashley Sarmiento at Marco Masa, child stars na sina Althea Ruedas, Erin Espiritu at Erika Celemente sa ilalim ng direksyon ni Shugo Praico.

Showing na ito sa mga sinehan ngayong Miyerkules, Feb. 26.

AUTHOR PROFILE