Alfred

Coun. Alfred: Performance is the best campaign

February 26, 2025 Ian F. Fariñas 175 views

KUNG si Quezon City Councilor (5th district) Alfred Vargas ang tatanungin, pinakamasaya ang ginagawa niyang kampanya sa paparating na eleksyon ngayong Mayo.

Ito ay dahil nakakasama niya sa campaign trail ang misis na si Yasmien at ang kanilang mga anak. Enjoy umano si Coun. Alfred dahil hindi ganu’n katindi ang demands nito sa oras niya kaya nagkakaroon siya ng sapat na panahon para maka-bonding ang pamilya at maasikaso ang kanilang mga negosyo.

Proud din siya sa performance ng kapatid niyang si PM Vargas, na tumatakbong kongresista, at kapwa nila ramdam ang suporta ng buong distrito.

Para kay Coun. Alfred, “performance is the best campaign.” Kaya election year man o hindi, tuloy-tuloy lang ang mga Vargas sa paghahatid-serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Mula nang maluklok bilang konsehal noong 2010, a year later ay sinimulan ng aktor-politiko ang flagship program niyang Ngiting Artista tuwing Araw ng mga Puso.

Ayon sa kanya, ito ay isang proyekto na naglalayong mag-spread ng smiles at good vibes.

“Kasi ‘yung ngiti, contagious ‘yun, eh, in this world of disillusionment, ang daming negativity. Puro fake news, let’s spread kindness and good vibes. ’Yung ngiti requires confidence, ‘di ba? So ’yon,” paliwanag niya.

Ngayong taon, hindi na lang V-Day nila isinasagawa ang Ngiting Artista kundi all-year round na. Meron silang 54 beneficiaries this year sa pakikipagtulungan ng Urban Smiles.

“Lagpas na sa 1,000 recipients/beneficiaries ang nabigyan ng pustiso all over the years,” banggit ni Coun. Alfred.

Bukod sa Ngiting Artista, marami pa silang ibang programa sa ikalimang distrito tulad ng job fairs, libreng puhunan, libreng panganganak, edukasyon, scholarship, burial, atbp.

“From womb to tomb,” sabi nga ni Coun. Alfred.

Sa ngayon, showbiz will naturally have to take a back seat. Ang dami nga raw nagtatanong sa kanya kung bakit maaga siyang um-exit sa GMA series na “Forever Young” gayung March pa ang simula ng campaign period para sa local positions.

Pero naiintindihan ng aktor-politiko na polisiya ito na dapat sundin ng mga gaya niya. Tutal, pagkatapos nito, pwede naman siyang bumalik dahil love talaga niya ang acting.

Sa gitna ng lahat ng ito, na-afford pa niyang mag-attend ng face-to-face classes sa UP School of Urban and Regional Planning at katunayan, ga-graduate siya sa darating na Hunyo.

“Masters then next step, PhD. Ladderized program siya,” pagbabahagi ni Coun. Alfred.

“Nag-two years na ako, so to complete my PHD, another two years, doctor na ‘ko. Sa August, aral ulit to start our masters. Kailangan mas matutunan, parang ina-upgrade natin. Parang app lang ’yan, kailangan i-upgrade mo, ‘di pwedeng ano, eh, ma-stunt ang growth mo,” dagdag pa ng aktor-politiko.

AUTHOR PROFILE