
Dingdong may panahon sa pamilya kahit sobrang busy
WALANG alinlangan na ang Kapuso Primetime King, actor, host, celebrity endorser at entrepreneur na si Dingdong Dantes ang pinakaabala among his peers sa bakuran ng GMA.
Since last year ay siya na ang host ng Philippine adaptation ng American television game show na “Family Feud” hosted by actor Richard Dawson na nagsimulanung 1976 until 1985. He is soon to host “The Voice Generations,” isang singing reality show na hango naman sa Australian singing competition TV series of same title.
Bilang actor, huli siyang napanood in 2021 sa local adaptation ng Korean move na “A Hard Day” na pinagsamahan nila ni John Arcilla under Viva Films. His last TV series ay nung 2020sa local adaptation ng popular K-drama series na “Descendants of the Sun”. He is back doing another drama series sa pamamagitan ng “Royal Blood,” a murder mystery series kung saan niya kasamasa cast sina Rhian Ramos, Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Rabiya Mateo, Tirso Cruz III, Arthur Solinap, Benjie Paras at iba pa mula sa direksyonni Dominic Zapata.
Despite his busy schedule, Dingdong spends quality time with his family – his wife nasi Marian Rivera at dalawang anak na sina Zia (7) at Ziggy (4).
Dingdong proposed to his lovely wife twice – una sa Macau nung August 2012 at pangalawa sa dance show ni Marian sa GMA, ang “Marian” nung August 9, 2014. The couple got married on December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City. They were blessed with two lovely kids, sina Zia and Ziggy na humahataw na rin as celebrity kid endorsers.
Being a career and family man, Dingdong does the balancing act by managing his time properly sa tulong na rin ni Marian.
Ang mag-asawang Dingdong at Marian ay nagkalapit sanisa’t isa nang sila’y magtambal sa Philippine adaptation ng Mexican telenovela in 1994 na “Marimar” in 2007. Magmula noon ay naging inseparable na ang dalawa until their union seven years later.
‘Unbreak My Heart’ inaabangan na
SINCE naka-up na ang trailer ng upcoming TV series na “Unbreak My Heart,” ang makasaysayang kolaborasyon sa pagitan ng GMA, ABS-CBN at ng Hong Kong-based streaming provider na Viu, marami na ang nag-aabang sa kakaibang seryeng mapapanood on GMA, iWant TFC at sa 15 territories outside the Philippines sa pamamagitan ng Viu.
Ang “Unbreak My Heart” na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia mula sa magkatulong na direksyon nina Manny Palo at Dolly Dulu ay tinatampukan din ni Eula Valdez, Sunshine Cruz, Romnick Sarmenta, Nikki Valdez, Will Ashley, Victor Neri, Dionne Monsanto, Jeremiah Lisbo, Will Ashley at iba pa.
The series was shot in Switzerland, Italy and in the Philippines.
Gab bumalik na sa Amerika for good
IT seems na hindi pa rin masaya sa kanyang buhay sa Pilipinas ang second son ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Gab (Jose Angelo Gabriel Pangilinan Valenciano) dahil muli itong nag-desisyon na bumalik ng Amerika kamakailan lamang at for good na umano ito.
Come June 11 ay 35 years old na ang singer-dancer, actor, musician, host, director, drummer, percussionist at choreographer pero hindi pa ring masasabing stable na ang takbo ng kanyang career kumpara sa kanyang elder brother na si Paolo na may sarili nang pamilya at dalawang anak maging ang kanyang younger sister na si Kiana.
Hindi ikinakaila ni Gab na dumaan siya sa depression but thankful na very strong ang kanyang support system mula sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Gab was formerly married to model, host and blogger Tricia Centenera whom he married twice in Tagaytay and Boracay in 2015 but got divorced the following year.
Tricia is now happily married to a lawyer and businessman Duane Santos at meron na silang two beautiful daughters.
Christopher hindi dumalo nang manalo si Gladys
INAMIN ng actor-entrepreneur na si Christopher Roxas, husband ng Best Actress winner sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na si Gladys Reyes na sinadya umano niyang hindi dumalo sa Gabi ng Parangal ng SMMFF sa New Frontier Theater in Quezon City nung April 11 dahil ayaw umano niyang ma-disappoint kapag hindi ang kanyang wife ang mananalong Best Actress.
“I’m not saying nahindimagaling ang iba but I know that my wife did her best in the movie (“Apag”),” pahayag ni Christopher.
“But we’re so grateful na siya (Gladys) ang nanalo,” proud na pahayag ng actor.
Ngayong muling napansin ang husay sa pagganap ni Gladys in a lead role, tiyak na hindi na lamang pawang contravida roles ang ipagkakatiwala sa kanya.
“But I don’t mind playing contravida sa mga papel na ibinibigay sa akin,” pahayag ni Gladys whose career rose to fame nang gawin nila ng kanyang kumare at best friend na si Judy Ann Santos ang hit TV drama series na “Mara Clara” in he early 1990s.Magmula noon ay lalong nag-grow ang kanyang pagiging mahusay actress.
Girl ang magiging first baby ni Kris
BABY girl ang magiging first baby ng mag-asawang Kris Bernal at chef-entrepreneur na si Perry Choi na nakatakdang isilang sometime in August this year.
The gender reveal party was uploaded in the actress-entrepreneur’s YouTube vlog last April 16.
The couple who started as business partners got married on March 25, 2021.
Miles sumailalim ng operasyon
IT was last month nang sumailalim ang actress-host na si Miles Ocampo ng thyroidectomy operation dahil sa kanyang papillary thyroid carcinoma.
The “Happy ToGetHer” actress at isa sa mga host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” is said to be in a relationship with actor Elijah Canlas na nagsimula nang magsama ang dalawa sa isang TV series nung isang taon.
The former Kapamilya actress is celebrating her 26th birthday sa May 1.
SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.