Diego

Diego, Esang, James at Jarlo kanya-kanyang paandar sa Star Magic launch

March 12, 2025 Ian F. Fariñas 243 views

PORMAL nang ipinakilala ang singer-songwriters na sina Esang de Torres, James Philippe, Jarlo Base at Diego Gutierrez bilang bagong artists ng Star Magic sa katatapos na Magical Vibes: Star Magic Music Room contract signing/mini-concert na ginanap sa Noctos Music Bar, Quezon City, nitong Martes.

Dumalo sa nasabing okasyon ang kani-kanilang mga pamilya, kaibigan at ABS-CBN executives, sa pangunguna nina ABS-CBN TV Production at Star Magic Head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Music Head Roxy Liquigan, Head of Digital Services and Business Development Elaine Uy-Casipit, Head of Star Magic Special Events and Digital at Senior Talent Manager Love Almazan-Capulong, ABS-CBN Business Unit Head Raymond Dizon at ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo.

Kasabay ng ginawang pagpapakilala sa apat ang pagbibigay sa mga ito ng individual plaque bilang pag-welcome sa kanila sa talent arm ng ABS-CBN.

Matapos iyon ay isa-isa nang nagpakitang-gilas ang mga bagong Kapamilya.

Kilala sa kanyang husay sa pagkanta at stage presence, nakilala si Esang sa “The Voice Kids Philippines” Season 2, kung saan naging mentor niya ang world-renowned singer na si Lea Salonga.

Nanalo si Esang bilang third placer sa nasabing kompetisyon. Mismong ang Tony Award awardee ang nagpakilala sa kanya sa Star Magic launch.

Ani Esang, “I am beyond grateful to be standing here in front of you tonight, as a newly launched Star Magic artist… I want to take this opportunity to thank Star Magic for believing in me and for giving me this opportunity to grow, to learn, and to share my passion with all of you as an artist…”

Pareho namang naghahanda sina James at Jarlo para sa kani-kanilang paparating na musical projects under Star Magic.

Ipinakilala ni BINI Colet si Jarlo sa pamamagitan ng isang VTR. Ipinakita nito ang suporta at appreciation para sa music ng baguhang singer-composer.

Mensahe naman ni Jarlo, “I’m feeling very excited, and honestly, I feel at home… Thank you so much, Star Magic and ABS-CBN.”

Si Diego Gutierrez, na sumusunod sa yapak ng kanyang pamilya sa industriya, ay excited na bumuo ng sarili niyang pangalan.

Aniya, “Thank you again Star Magic for this wonderful opportunity, I promise that I will make the most of it, (and) I’ll keep working hard and I’ll keep striving to be a better artist para pasok tayo sa #TatakStarMagic…”

Habang nagpe-perform si Diego, proud na proud namang nanonood sa kanya ang amang si Ramon Christopher na dumalo sa contract signing/mini-concert para suportahan ang unico hijo nila ni Lotlot de Leon.

AUTHOR PROFILE