Desiree del Valle

Desiree buntis sa unang anak

May 30, 2021 Aster Amoyo 1117 views

AFTER more than three years of being married, buntis na rin sa wakas ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle (39) sa kanyang husband, ang actor na si Boom Labrusca (46). Ibinahagi nila ito sa kanilang respective Instagram account sa 39th birthday ng aktres last May 28.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Desiree ay first baby nila ni Boom, ama ng 25-year-old Kapamilya singer-actor na si Tony Labrusca sa ex-girlfriend nitong si Angel Jones na dating miyembro ng hip-hop group nung 90’s, ang Kulay.

Desiree del Valle and Boom Labrusca
Desiree del Valle and Boom Labrusca

Sina Desiree at Boom got engaged nung July 14, 2015 in California, USA and got married nung January 14, 2018 in Lake Tahoe, California, USA.

Ang Fil-Irish-American actress na si Desiree ay nagsimula sa kanyang showbiz career in 1996 sa pamamagitan ng youth-oriented program ng ABS-CBN na “Gimik” kung saan din naging bahagi si Boom. Although ang huli ay nagsimula naman sa showbiz in 1986 bilang bahagi ng youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” ng namayapang star builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Ang dalawa ay nagkatrabaho sa afternoon drama series ng ABS-CBN, ang “Flordeliza” in 2015 at muling nagsama sa primetime TV series na “La Luna Sangre” in 2017 na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Boom ay huling napanood sa 2020 TV series na “A Solder’s Heart” at sa pelikulang “Four Sisters Before the Wedding”. Si Desiree naman sa primetime drama series na “Ang Iyo ay Akin” at meron siyang upcoming TV series, ang “Paano ang Pangako”.

Samantala, nalaman ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Desiree last April pero nitong May 28 lamang nila ibinahagi sa publiko.

Si Desiree ay anak ng isang Irish-American father na si Clois H. Dunham habang Filipina naman ang kanyang inang si Lourdes del Valle from Lopez, Quezon.

Deborah humihiling ng trabaho

Deborah Sun

ANG magkaroon ng trabaho ang kahilingan ng veteran actress na si Deborah Sun na nagmula sa kilalang showbiz clan ng mga Salvador.

Si Deborah (Jean Louise Porcuna Salvador) na nakilala noong 1979 sa pelikulang “Dormitoryo,” na sinundan ng marami pang iba tulad ng “Temptation Island,” at “Pakawalan Mo Ako,” ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director-producer na si Leroy Salvador, Jr. sa dating aktres na si Corazon `Baby’ Porcuna na ang buhay ay isinapelikula noon at pinagbidahan ng showbiz retired actress na si Beth Bautista. Half-sister ni Deborah ang aktres na si Jobelle Salvador na sa Las Vegas, Nevada naka-base.

Isang bukas na aklat ang buhay ni Deborah na discovery ng yumaong writer-director na si Joey Gosiengfiao but it was the late writer-producer and talent manager na si Douglas Quijano at Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang nagbigay ng kanyang screen name.

“Masyado na kasing marami ang apelyidong Salvador sa showbiz at that time kaya nagdesisyon sina Mother Lily at Douglas na palitan ang pangalan ko,” pagbabahagi ni Deborah nang ito’y aming exclusive na makapanayam sa aming online show na “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Growing up, inamin ni Deborah na hindi siya paborito ng kanyang namayapang ama na si Leroy Salvador kaya at an early age ay natuto siyang mag-rebelde. Sa edad na katorse ay nabuntis siya sa kanyang panganay na anak na si Angela courtesy of actress Susan Henson’s brother na si Jay Henson na sumakabilang-buhay na. Ang kanyang second and only son na si Jam Melendez ay anak naman niya sa yumaong actor na si Jimi Melendez na siya ring ama ng aktres na si Aiko Melendez. Habang ang kanyang bunsong anak na si Gemmalyn ay anak niya sa isang non-showbiz Filipino guy sa Amerika. Si Gemmalyn ay kanyang isinilang sa Amerika where she stayed for 15 years from 1989 to 2004.

Taong 2004 nang mag-desisyon si Deborah na bumalik ng Pilipinas bitbit ang kanyang bunsong anak. Dapat ay babalik siya ng Amerika nung 2005 pero siya’y na-hold sa immigration ng NAIA at hindi na nakalipad. In 2006 ay nakulong naman siya kanyang dating kaso ng estafa (bago siya lumipad pa-Amerika in 1989) na muling nabuksan.

Isang taon at isang buwan ang kanyang binuno sa loob ng kulungan at isa sa tumulong sa kanya sa kanyang maagang paglaya ay ang yumaong veteran actress-businesswoman na si Amalia Fuentes na hinding-hindi umano niya makakalimutan.

Nang siya’y makalaya, siya’y nagbalik-showbiz pero maniglan-ngilan lamang ang nakukuha niyang proyekto na hindi sapat para suportahan ang kanyang tatlong anak. Wala rin silang matirahang mag-iina kaya ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa singer-actress-entrepreneur na si Ara Mina na kanyang nakasama sa isang teleserye ng GMA nang ialok sa kanya ang isa sa p ag-aari nitong condo in Quezon City.

“Napakalaki ng puso ni Ara na kung tawagin ko ay Santa Ara,” pahayag ni Deborah.

“Hanggang ngayon ay doon pa rin kami nakatira ng mga anak ko. May sakit si Jam. Meron siyang split personality disorder at iba pang sakit at kailangan niya ng maintenance meds na hindi ko naman maibigay regularly dahil wala naman akong mapagkukunan,” patuloy ng actress.

“There are times na ibinigay ko ang reseta sa sister niyang si Aiko at nagbibigay naman ito para sa 15 days niyang gamot pero hindi ito regular at ayoko rin namang mag-impose sa kanya,” ani Deborah.

“Dahil wala akong trabaho, umaasa na lamang ako sa tulong ng iba’t ibang tao. Of course, tumutulong din si Tito Ipe (Phillip Salvador), Boy Abunda, Fanny Serrano, Gina Alajar, Amy Perez, Beth Bautista at iba pa na may mabubuting puso but I cannot rely on them all the time. Nahihiya man akong manghingi sa kanila ng pera ay kinakapalan ko na lamang ang mukha ko,” pag-amin ng actress.

“Kaya nagmamakaawa ako sa mga producers lalung-lalo na kay Coco (Martin) na sana’y matulungan nila akong mabigyan ng trabaho for my family,” pakiusap pa niya.

“Puwede rin ako sa production kahit hindi bilang artista basta magkaroon lang ako ng trabaho,” aniya.

Nung siya’y nasa Amerika pa ay na-diagnose rin si Deborah sa pagkakaroon ng cancer sa liver at dalawang beses umano niyang sumailalim ng chemotherapy doon pero magmula nang bumalik siya ng Pilipinas ay hindi na umano siya nakapagpagamot sa kakulangan ng pera.

Expired na rin ang kanyang US greencard at hindi rin niya maasikaso ang kanyang mga papeles gayundin ng kanyang bunsong anak na si Gemmalyn dahil wala rin umano siyang panggastos

Since mahilig mag-aral si Gemmalyn, inilapit niya ito kay Manila Mayor Isko Moreno at ito’y nabigyan ng scholarship sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kung saan ito dean’s lister.

“Nabubuhay kami ng mga anak ko sa tulong ng iba’t ibang tao. Sana mabigyan ako ng trabaho nang hindi na akong nanghihingi ng limos sa iba,” umiiyak na pahayag ni Deborah.

“May mga times na hindi kami nakakain,” aniya.

Subscribe, share, like and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE