Frasco1

Deputy Speaker Frasco namigay ng libreng gasolina sa MC riders

February 15, 2024 Mar Rodriguez 115 views

Frasco3IPINAGDIWANG ni House Deputy Speaker at Cebu Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang Valentine’s Day sa pamimigay ng libreng gasolina sa mga motorcycle riders sa Compostela, Cebu.

Tuwang-tuwa ang libu-libong riders matapos silang makatanggap ng libreng gasolina kay Frasco at mismong ang kongresista ang naglalagay ng gasolina sa mga riders.

Galing sa kanyang “personal funds” na umaabot sa P100,000 ang ginastos sa free gas offer ng kongresista.

Ayon kay Frasco, nabigyan ang bawat rider ng P500 na libreng gas galing sa Quent Fuel Gas Station sa Brgy. Magay, Compostela Cebu.

Nauna rito, pinangunahan ni Frasco ang turnover ng flood control project na nagkakahalaga ng P77.1 million sa Brgy. Dunggoan, Danao City.

Sinabi ni Frasco na ang nakalulunos na kalagayan ng mga residente ng dalawang barangay ang nag-udyok sa kanya para simulan ang proyekto.

AUTHOR PROFILE