Dennis

Dennis pinayuhan si Jennylyn na ayusin ang relasyon sa ex

November 15, 2023 Aster Amoyo 286 views

Dennis1BLENDED family ang Kapuso celebrity couple na sina Dennis Trillo (41) at Jennylyn Mercado (36) dahil bukod sa kanilang more than one-year-old daughter na si Dylan, ang dalawa ay merong tig-isang anak na parehong lalake sa kanilang respective previous relationships. Si Calix Andreas Ho (16) ay anak ng singer-actor na si Dennis sa kanyang dating kasintahan, ang actress at dating beauty queen na si Carlene Aguilar habang si Alex Jazz Mercado naman ay anak ng singer-actress na si Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia.

Sina Carlene at Patrick ay pareho na ring may respective families ngayon. Carlene is married to Yo Ocampo habang si Patrick naman kay Nikka Martinez.

Kung matatandaan pa, it was Dennis who advised Jennylyn na ayusin ang kanyang relasyon sa ama ni Alex Jazz na si Patrick maging sa misis nitong si Nikka dahil sa kanilang anak. Ngayon ay maganda na ang relasyon ni Jennylyn sa mag-asawang Patrick at Nikka gayundin si Alex Jazz sa kanyang ama at stepmom.

Very close din ang mag-asawang Dennis at Jennylyn sa kanilang respective sons na sina Calix at Alex Jazz na magkapatid ang turingan habang mahal na mahal naman ng mag-step brothers ang kanilang baby sister na si Dylan.

Ang mag-asawang Dennis at Jennylyn ay ikinasal in a civil wedding nung November 15, 2021.

Mother Lily pinalitan na ng anak na si Roselle, ‘SRR’ series tuluy-tuloy

SRRSRR1SRR2SRR3ANG “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Entertainment na pinamahalaan ng tatlong directors na sina Richard Somes, Joey de Guzman at Jerrold Tarog ay bahagi ng Pinoy horror anthology film series na sinimulan in 1984 Metro Manila Film Festival. Ito bale ang longest-running film series sa Pilipinas at sa buong Asya.

Except nung ika-anim na serye at itong 2023, ang “Shake, Rattle & Roll” movie franchise ay parating kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival kaya marami ang nagulat na hindi ito nakapasok sa 2023 MMFF considering na may strong following ang series.

Naniniwala naman ang bida ng “Glitch” episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na si Iza Calzado na may dahilan kung bakit hindi ito nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival kaya napunta ito sa bagong playdate na November 29, 2023.

Sa pelikulang “Shake, Rattle & Roll Extreme,” muling nagsama sina Iza at Jane de Leon na unang nagkatrabaho sa hit TV series na “Mars Ravelo’s Darna” ng ABS-CBN.

Ang three-episode horror movie na “Glitch,” “Rage” at “Mukbang” ay tinatampukan din nina Jane Oineza, RK Bagatsing, Paul Salas, Paolo Gumabao, AC Bonifacio, Donna Cairaga, Rob Gomez, Angel Guardian, Sarah Edwards, Dustin Yu, Miggs Cuaderno, Mika Reins, Bryce Eusebio, Jewel Milag, Esnyr Ranollo, Jana Taladro, Elle Villanueva, Phi Palmos, ang sikat na vlogger na si ninong Ry, Ian Ginema, Francis Mata, Jericho Ejercito at Girlie Ejercito.

In terms of cast and production, ang “Shake, Rattle & Roll Extreme” ang maituturing na most expensive film produced for this year na inaasahang papalo nang husto sa takilya kung pagbabasehan ang millions views nito sa trailer pa lamang ng pelikula.

Kung sampu ang maglalabang pelikula sa 2023 MMFF, dalawang local movies lamang ang palabas ngayong November 29 na ang isa ay ang family drama movie na “In His Mother’s Eyes” nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos na siyang movie directorial debut ng mahusay ng TV drama series director na si F.M. Reyes under 7K Entertainment. Hindi rin pinalad ang nasabing pelikula na makapasok sa 42nd Metro Manila Film Festival.

Samantala, ngayong retired na ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde, ang isa sa kanyang mga anak na si Roselle Monteverde ang sumalo at nagpapatuloy sa sinimulang legacy ng kanyang iconic mom bilang film producer.

JM ipinagmamalaki si Donnalyn

JMJM1KILALA ang singer-actor and vlogger na si JM de Guzman sa pagiging tahimik laluna pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. Ngayon lamang ito naging open sa kanyang pagtatangi sa kanyang bagong nililigawan o girlfriend na, ang Viva singer, songwriter at popular vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Ayon sa kanyang vlog, isang taon at dalawang buwan na umano niyang hinihingan ng date si Donnalyn na kanyang sinimulan nung May 2022. Pero nitong June 2023 lamang umano ito pumayag.

Hindi ikinakaila ng singer-actor na na matagal na umano niyang nililigawan si Donnalyn kaya sobra siyang natuwa nang pumayag na ito.

Kahit sa mga TV guestings ni JM ay bukas siya sa pag-amin na nililigawan niya si Donnalyn na ayaw pa umano siya sagutin.

Naniniwala naman ang netizens na may ugnayan na ang dalawa dahil binigyan ni Donnalyn ng birthday surprise party si JM nung last birthday nito last September kung saan naroon ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan at mga sikat na rappers na sina Loonie, Smugglaz, Shehyee at Anygma na sobrang in-appreciate ng singer-actor.

Marami rin ang naniniwala na malaki umano ang naging influence ni Donnalyn kay JM pagdating sa pagba-vlog.

JM was previously in a relationship with actress Jessy Mendiola. Sandali rin siyang na-link sa Kapamilya young star na si Barbie Imperial.

Local movie industry sumisigla na

MASIGLA na naman ngayon ang movie industry dahil sa nalalapit na 42nd Metro Manila Film Festival kung saan sampung pelikula ang kalahok. Since halos 30 pelikula ang hindi pinalad na makapasok in this year’s MMFF, ang mga ito ay isa-isa na ring pumupuwesto sa iba’t ibang playdates either before the MMFF or after. Kaya malamang na sa susunod na taon na maipalabas ang karamihan sa mga pelikulang hindi nakapasok sa MMFF.

Inaasahan ding magi-improve na ang darating na MMFF in terms of box office results kumpara nung nakaraang dalawang taon.

Kapag nagpatuloy ang pagsigla ng mga local movies at the box office, tiyak na mas marami pang producers ang gaganahang mag-produce sa pagpasok ng taong 2024.

Buboy at Jelai itinanggi ang tsismis tungkol sa kanila

BuboyBuboy1VERY close ang Kapuso actors-vloggers na sina Buboy Villar at Jelai Andres pero magkaibigan lamang umano sila at walang romantic relationship na namamagitan sa kanila.

Bukod sa pagiging isa sa hosts ng bagong “Eat Bulaga” on GMA, naka-focus din ang kanyang attention sa dalawa niyang lumalaking mga anak na sina Vlanz Angillyn at George Michael sa kanyang ex-American partner na si Angillyn Gorens kung kanino siya hiwalay may limang taon na. Si Buboy din ang sumusuporta sa kanyang pamilya.

Pero kahit matagal nang hiwalay sina Buboy at Angillyn na bumalik na sa Amerika nung 2018, nanatili silang magkaibigan dahil sa kanilang dalawang anak.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE