Dennis Larawan mula sa IG/@dennisastig at @marjbarretto

Dennis Padilla, ina gusto nang makita mga anak ni Marjorie

November 28, 2023 People's Tonight 836 views

TILA madamdamin ang naging liham ng actor-comedian na si Dennis Padilla para sa kanilang mga anak ni Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon.

Ayon sa sulat na ipinadala sa comedian-actor at entertainment reporter na si Ogie Diaz para kay Julia, pitong taon na raw ang nakalilipas nang huling makausap at makasama ni Dennis ang kanyang mga anak.

“Anak, never imagined that I won’t be able to spent Bdays Xmas and New Year eve’s with you and the rest of your sisters and brothers. The last time that I spent that special occassions was 2006/07…grabe ang tagal na pala,” sey ni Dennis.

“But again I’m sorry…praying that I will have the chance to hug and talk to you again,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Dennis, naaawa raw siya sa kanyang ina dahil nais din nitong makita ang kanyang mga na 16 taon nang hindi niya nakakasama.

“Alam mo, tumawag daw yun kay Dennis, ang kanyang mama, at sinabi niya na 16 years na raw niyang hindi nakikita ang kanyang mga apo. Sobrang miss na raw ni mommy ni Dennis yung kanyang mga apo,” saad ni Ogie.

“Naaawa raw siya sa mommy niya. At the same time, sabay sabay silang naiyak nung tumawag sa phone,” pagpapatuloy pa niya.

AUTHOR PROFILE