Dennis dapat daw magpasalamat na inimbita pa sa kasal ng anak

April 11, 2025 Aster Amoyo 188 views

DennisDennis2MAY mga nagsasabi na magandang senyales na naimbitahan ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa wedding ng kanyang second child sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto na si Claudia Barretto (Baldivia). Ikinasal ito kay Basti Lorenzo, isa sa 12 anak ng business tycoon na si Martin Ignacio Lorenzo at misis nitong si Leah de Leon-Lorenzo. Kung mataatndaan, hindi nga naimbita ang biological father ng eldest daughter ni Marjorie na si Dani Barretto-Panlilio, ang actor na si Kier Legaspi, sa kasal nito.

Hanggang ngayon ay estranged pa rin si Dani sa kanyang amang si Kier na never pang nakaharap at nakilala ang mister niyang si Xavi Panlilio at dalawa nilang anak na sina Millie (5) at Riley (almost 6 months old). Pero naniniwala si Kier na may tamang panahon na maghihilom din ang lahat at magkakaroon din sila ng pagkakataong magkaayos ng kanyang panganay na anak at makita ang mister nito at ang kanyang dalawang apo.

Si Kier ay may isa pang anak na babae sa isang non-showbiz girl pero hindi sila nabiyayaan ng anak ng kanyang businesswoman wife who is a very private person.

Samantala, si Dennis ay may tatlong anak sa kanyang ex-wife na si Marjorie, sina Julia Barretto, Claudia Barretto at Leon Barretto na hindi natin alam if they still carry their father’s family name, Baldivia.

Kung matatandaan pa, si Dennis ay naimbitahan din noon sa 18th birthday ng anak na si Julia Barretto pero wala siyang naging papel doon at nagmistula lang siyang bisita. Ang pagkakataong ito ay muling naulit sa wedding ni Claudia kung saan wala rin siyang naging papel bilang `father of the bride’ dahil parang bisita lamang umano ang naging trato sa kanya. Kaya hindi napigilan ng actor-comedian at dating politician ang mag-rant sa kanyang social media account.

“Grabe kayo! Nabudol nyo ako! Father of the bride naging visitor. Galing nyo!” himutok niya sa kanyang post.

Ang pag-vent out ni Dennis ng kanyang saloobin ay hindi niya napigilan na malamang ay maging mitsa na naman ng kanyang pagkakaroon ng gap sa kanyang tatlong anak sa kanyang ex-wife na si Marjorie na kamakailan lamang niya naka-bonding.

Although nagkaroon siya ng pagkakataon na makunan ng litrato kasama ang bagong kasal na sina Claudia at Basti, this was the only opportunity na meron si Dennis during the church wedding ceremony.

May mga nagsasabi naman na sana’y huwag nang idaan ni Dennis ang kanyang sama ng loob sa social media dahil lalo lamang daw nitong inilalayo ang kanyang sarili sa kanyang mga anak.

Bukod sa mga anak ni Dennis sa kanyang ex-wife na si Marjorie, may dalawa rin itong grown-up children sa dating aktres na si Monina Gatus na sina Luis Emmanuel na nagtapos ng Political Science sa De la Salle University and took his master’s degree on Business Administration and Public Administration sa University of the Philippines at kasalukuyang nagta-trabaho as associate project officer ng Development Academy of the Philippines (DAP) habang ang kanyang eldest daughter na si Diane Baldivia ay nasa Amerika kasama ang patner nitong si Katz. The couple belong to the LGBT community.

May dalawa ring young children si Dennis sa 2022 Mrs. Universe Australia, ang Fil-Australian na si Linda Marie Gorton na sina Gavin Simon (12) at Madelyn.

Sina Dennis at Linda ay nagkahiwalay nung 2020. Bumalik ng Australia si Linda bitbit ang dalawa nilang anak ni Dennis.

Samantala, naunawaan ng nakababatang kapatid ni Dennis na si Gene Padilla ang naramdaman ng kanyang kuya. Excited umanong nagtungo sila ng simbahan nang maaga kasama ang kanilang ina na si Gng. Catalina Baldivia, paternal grandmother ng magkakapatid na Julia, Claudia at Leon.

Since wala pang tao sa simbahan ay nakapag-selfie ang tatlo. Nang tanungin daw nila ang event organizer kung saan sila uupo, sinabihan sila kahit saan habang si Dennis ay puwede raw umupo sa upuan ng nga ninong pero nag-desisyon silang umupo sa likuran.

Nasimulan at natapos ang seremonyas ay wala man lamang daw naging papel si Dennis kaya hindi nito napigilan ang mapaiyak gayundin ang kanilang ina. Pagkatapos makapagpa-picture si Dennis sa bagong kasal ay minabuti na umano nila ang umuwi na bitbit ang sama ng loob sa mga nangyari.

Ivana umaming naging sugar mommy

IvanaIvana1NAGING guest recently ang actress at content creator superstar na si Ivana Alawi sa “Fast Talk with Boy Abunda” at marami ang naaliw sa kanyang pagiging honest nang tanungin siya ng King of Talk kung siya ay naging sugar mommy. Na agad naman niyang sinagot ng `oo’.

Ayon sa naging kapareha ni Coco Martin sa kanyang “FPJ’s Batang Quiapo,” nagkaroon umano siya ng dalawang ka-relasyon, isang non-showbiz at isang actor na tila-nag take advantage sa kanya.

Kapag mahal niya kasi ang isang tao ay masyado umano siyang generous kaya hindi niya pinansin nung una na pati allowance nung non-showbiz guy ay ibinibigay niya. Sa actor naman ay masyado umano itong mahilig sa mga branded items at pati gastos sa hotel, dinner at iba pang gastusin ay siya umano ang nagbabayad. Ultimo nga raw sa hotdog sandwich na kanyang in-order ay nakihati pa umano ito sa kanya sa pagbayad.

Doon lamang na-realize ni Ivana na para na siya umanong `sugar mommy’ at her age at sa ganda niya, natanong niya sa sarili bakit niya umano ginagawa `yon. Magmula noon ay natuto na siyang mag-isip.

Pinabulaanan din ni Ivana na nagparetoke siya. Nai-insecure nga umano siya sa kanyang ilong pero never umano niya itong ipinagawa dahil masaya na umano siya kung ano ang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Ang kanyang youngest sister na si Mona ang nag-encourage umano sa kanya na mag-vlog na sa simula ay katuwaan lamang.

Nasa US umano sila noon nang maisipan niya ang content ng paglalaba. Sa Amerika kasi walang katulong kaya sila-sila ang naglalaba but through washing machine. Pero ang ginawa niya ay sa batya siya naglaba na traditional na ginagawa lalo na sa probinsiya but in her sexy sleep attire. Nag-viral ang nasabing episode with Mona as her cameraman. Magmula noon ay kung anu-anong nakakatuwang content ang ginagawa ni Ivana hanggang maging consistent ang kanyang millions views sa bawat episode making her the top Filipino female celebrity vlogger na isa na ring entrepreneur at popular actress.

Hindi man nanalo si Ivana sa “Starstruck” ng GMA nung 2015 with her ending at #22, `yun umano ang naging simula ng kanyang showbiz career.

Milyones ang kinikita ni Ivana buwan-buwan sa kanyang pagiging star vlogger pero iba umano ang joy na naibibigay sa kanya ng pagiging isang aktres. Given the chance, pangarap ni Ivana na makatrabaho sina Piolo Pascual at Marian Rivera.

Dahil sa kanyang popularity at yaman, umaasa pa rin si Ivana na makakatagpo pa rin siya ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya not because of what she has kundi bilang tao.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE