Default Thumbnail

Delivery boy tiklo sa panghahalay ng kapitbahay

May 21, 2022 Gil Aman 269 views

ISANG 34-anyos na lalaking lasing ang pinagsabihan ang isang mister na huwag hayaang lumabas sa dis oras ng gabi ang misis dahil sa delikado ito subalit ito pala ang responsableng suspek na gumahasa sa ginang sa isang taniman ng gulay araw ng Biyernes sa Bgy. San Joaquin, San Pablo City, Laguna.

Ang reponsableng suspek na kinilala ni P/Lt. Col. Gary Alegre, hepe ng San Pablo City Police, na si Leonel Morales Mamano, isang delivery boy, na agad naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya.

Sinabi ni P/Lt. Col. Alegre, na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353, sexual assult na responsable sa pang-aabuso sa hindi pinangalanang biktima na kapitbahay din ng suspek.

Base sa imbestigasyong isinagawa ng Women Desk Officer ng San Pablo Police, pormal na nagharap ng reklamo ang biktima laban sa suspek na gumahasa sa kanya dakong alas 6:00 ng gabi.

Sinabi ng biktima sa pulisya na nag-ugat ang pangyayari ng utusan ito ng kanyang mister na bumili ng hotdog sa isang tindahan na hindi kalayuan sa kanila subalit ng bumalik ito habang naglalakad saka napuna ng suspek na kasalukuyang nag-iinom sa isang kapitbahay ang kanyang paglalakad sa dis oras ng gabi.

Ang pangyayari, ayon sa biktima na nagawang masunudan siya ng suspek hanggang sa isumbong nito na delikado ang paglalakad sa gabi kaya’t sinigawan ang mister nito na huwag pahihintulutan maglakad sa gabi.

Ayon pa sa pulisya, paulit-ulit na pasigaw ba pinagsabihan ang mister kung kaya’t humingi na ito ng tulong sa opisyal ng barangay. Matapos makaalis ang mister ay saka naman sinamantala ng suspek na sapilitang hatakin sa isang taniman ng gulay ang biktima saka sapilitang inabuso.

Dahil sa madilim na lugar, saka lamang naaninag ng biktima ang ang mister kasama ang opisyal ng barangay kasabay naman sa pagtakas ng suspek. Agad namang isinagawa ng pulisya ang manhunt operation laban sa suspek na nadakip. By Gil Aman

AUTHOR PROFILE