
David, palaisipan ang hugot sa socmed
May hugot at cryptic post si David Licauco sa social media na hindi namin alam kung kanino niya ina-address at kung ano ang pinangggagalingan.
Sa kanyang X (dating Twitter) account ay nag-tweet si David ng “be careful what you put on social media, you never know what a person is going through.”
Sinundan pa niya ito ng one-liner na “respect” at nag-emoji ng sad face.
Sa comment section ay parang may alam ang fans sa kanyang pinanggagalingan at kanya-kanya silang payo’t opinyon.
“Mukhang inlove na talaga ang ginoo ah pinag tatanggol na nya gf nya go lng david ignore mo na lng basher hayaan mo na lng sila focus sa goal,” komento ng isang netizen.
“Hello David matulog ka na, everything will be ok, tomorrow is another day,” payo naman ng isang follower.
“Whatever you’re going through, everything will be fine boss David,” sey naman ng isa pang X user.
“If you love a girl di mo ikakahiya na ipakilala sa mundo kahit ano pa maging kapalit nito. Just be true to yourself, dun ka minahal ng tao. If meron nga gf?” opinyon naman ng isa pang netizen.
Sabi naman ng isang fan, “ssob Guys, Please tigilan nyo na ung personal life nya Lalo ung private life na gusto nya, respeto Naman Ang hirap ng situation nya ngaun. Ssob tulog kna po sana maging maayos na Po Ang lahat.”
Well, kami ay clueless kung ano ba o sino ang pinariringgan ng Pambansang Ginoo.