Darren

Darren, dawit sa tsikang KimXi breakup

November 29, 2023 Vinia Vivar 575 views

Viral ngayon ang video ng episode ng It’s Showtime last Tuesday kung saan ay guest si Darren Espanto at kinantahan niya si Kim Chiu ng Anong Nangyari sa Ating Dalawa.

Nasa ‘anong nangyari’ pa lang nga ang kanta ay nag-react na agad si Kim at pabirong sinakal si Darren.

Tawa nang tawa ang singer at niyakap si Kim.

Sigawan naman sa audience.

Sabi ni Ogie Alcasid, “Ay, nagre-react ang madlang people!”

Paliwanag naman ni Darren, “Hindi, ‘yun ‘yung theme song ng Linlang!”

Dagdag pa niya, “Ba’t ang laki ng reaction ng madlang people?”

Tawa lang nang tawa si Kim at hindi na makapagsalita. Ang nasambit na lang niya, “Bakit nandito si Darren ngayon?”

Hirit naman ni Ogie, “Sandali, Kim, may alam ba si Darren?”

Iniba na ni Kim ang topic at naglaro na ulit sila sa segment.

As we all know ay may tsika ngang break na sila ni Xian Lim at hanggang ngayon ay wala pa silang paglilinaw dito.

Basta ang sabi lang ni Kim nang matanong recently tungkol dito ay “sa amin na lang po ‘yun.”

Sa sagot pa lang na ito ng aktres ay lalong lumakas ang speculation na baka nga wala na sila dahil hindi niya ito idinenay.

AUTHOR PROFILE