Lapid

Sen. Lito ayaw makisawsaw sa kaso ni Azenith

November 29, 2023 Jun Nardo 221 views

HINDI nakakalimot si Senator Lito Lapid sa press na tumulong sa kanya matapos magmarka ang pangalan niya sa action scenes sa launching movie niyang The Jess Lapid Story.

Si Sen. Lito ang una sa showbiz senators na nagbigay ng meet-and- greet Christmas party sa press.

Bago nagsimula ang konting interview na talagang hindi niya nakasanayan mula noon hanggang ngayon, sinimplihan namin ang senador na magbigay ng reaksyon sa dating beauty queen-turned-actress na si Azenith Briones na ilang beses din niyang nakasama sa movies.

“Pamilya ‘yun kaya hangga’t maaari, ayokong magsalita,” maiksi niyang sagot.

Nabalitang missing in action si Azenith pero ang latest, nasa rehab umano ito.

Wala pa kaming nabalitaan kung bakit siya nasa rehab.

Basta si Sen. Lito, tuloy pa rin sa FPJ’s Batang Quuapo kung saan naipapakita niya ang kahusayan sa stunts and action routines at pati kissing scene kay Lorna Tolentino, huh!

“Halik ng mga senior ‘yon! Hahaha!” biro ni Sen. Lito na may gagawing movie under Erik Matti.

AUTHOR PROFILE