DA

DA, PRRI nag-collab sa pagpapaunlad ng rubber industry

June 16, 2024 Cory Martinez 161 views

PUMIRMA sa ilang kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Rubber Research Institute (PRRI) para mabigyan ng pasilidad para mapaunlad pa ang rubber industry sa bansa.

Sa isinagawang paglagda sa mga kasunduan sa PRRI, sinabi ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., na ang hakbang kabilang sa pagsisikap ng pamahalaan na magiging matatag at inklusibo ang agrikultura.

“Today, we set a new benchmark in our pursuit toward a brighter tomorrow for rubber farmers,” ani Tiu Laurel.

Nakapaloob sa kasunduan ang alokasyon ng 7.48-ektaryang lupa para sa research and development facility ng PRRI, magkatuwang na paggamit ng isang rubber testing laboratory sa Zamboanga Peninsula at ang pagpapalawig ng tenure ng PRRI sa interim office.

Paliwanag ni Tiu Laurel na mahalagang hakbang ang mga inisyatibo na ito sa pagbibigay ng nararapat na resources ang mga rubber farmer para sa pagsulong nila.

Itinatakda ng Philippine Rubber Industry Roadmap for 2023-2028 ang mga mahahalagang potensyal para sa pag-unlad ng rubber industry.

Tinuturing ang Pilipinas na ika-13 na largest producer ng natural rubber sa buong mundo. Nakaambag ang Pilipinas ng may isang porsyento sa pandaigdigang produksyon noong 2022 na may kabuuang output na 109,000 metriko tonelada.

Karamihan sa mga rubber export nanggagaling sa Mindanao. Umaabot ng 98 na porsyento ng 234,600 ektaryang lupa na tinatamnan ng rubber noong 2022 makikita sa naturang lugar.

Noong 2022, bumagsak ang halaga ng Philippine export ng rubber at rubber-products mula $278.2 milyon kaysa noong 2021 na $578.3 milyon dahil natigil ang pag proseso at paggawa ng goma dahil sa COVID-19 pandemic.

Kinikilala ni Tiu Laurel ang potensyal para sa paglago pa ng local rubber industry at ang kapasidad nito na maahon sa hirap ang nga komunidad sa Mindanao.

“The challenge for PRRI is to actively push for development programs and projects to support the 700,000 rubber growers in the country,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Sa kabila ng mga pagsubok tulad ng pagbaba ng rubber export noong 2022 dahil sa COVID-19, naniniwala pa rin si Tiu Laurel na makakabawi ang industriya.

“Only when the PRRI succeeds in these initiatives can it ensure a rubber industry that is dynamic, innovative and self-sufficient,” ani ni Tiu Laurel.

AUTHOR PROFILE