Laurel

DA kinilala kontribusyon ng mga magsasaka, mangingisda

May 20, 2024 Cory Martinez 183 views

Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa pag-unlad ng ekonomiya, sinimulan na kahapon ang selebrasyon ng 2024 Farmers’ and Fisherfolk’s Month sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA).

Sa seremonya sa pagsisimula ng selebrasyon na may temang theme “Magsasaka at Mangingisda katuwang tungo sa Masaganang Bagong Pilipinas,” binigyang-diin ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr., ang mahalagang papel ng mga magsasaka at mangingisda sa pagpapanatili ng malagong ekonomiya ng bansa.

Hinikayat naman ni Tiu Laurel ang lahat na suportahan ang mga itinuturing na food heroes sa pamamagitan ng mga inisyatibo ng DA kabilang na ang modernisasyon at mekanisasyon ng agrikultura.

“We must continue supporting and empowering our food producers, processors, and other agri-fishery stakeholders by modernizing and mechanizing Philippine agriculture. By embracing modern farming techniques, mechanization, and sustainable practices, agriculture advances to boost productivity and efficiency, maintaining its competitiveness and profitability, and meeting the demands of a growing population,” dagdag pa ni Tiu Laurel.

Itinalaga ang buwan ng Mayo bilang Farmers’ and Fisherfolk Month sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 33, na nilagdaan noong May 21, 1989 upang kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga magsasaka at mangingisda sa kontribusyon ang layunin na maibsan ang kahirapan sa bansa, pagtiyak sa food security at pag-promote ng katatagan ng agrikultura.

Matapos ang ribbon-cutting, binisita ng mga opisyal ng DA ang mga food stalls na kinabibilangan ng 13 Kadiwa partner exhibitors na naglatag ng iba’’t-ibang produkto katulad ng mga gulay, prutas, kape, poultry at iba pang processed goods.

AUTHOR PROFILE