
Cristy, hinamon si Karla!
Kumonsulta na umano sa kani-kaniyang abogado sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para pag-usapan ang tungkol sa mga negosyong pinagsososyohan nila.
Ito ang bagong pasabog ni Cristy Fermin sa kanyang latest vlog.
“Ito naman ay ilalatag na rin po namin kasi ito naman po ay nakarating sa amin na sa ngayon pong mga panahong ito ay nag-uusap na po ang mga abogado ng dalawang kampo,” pagbubunyag ni ‘Nay Cristy.
“Kasi nga po, marami pong negosyo na magkasosyo si Daniel at saka si Kathryn. Marami pong business na sila ay sangkot, ‘di ba?
“So, ngayon, ang nangyayari, ‘yung abogado ni Kathryn at ni Daniel, inaano na ngayon ‘yung halaga ng mga ipinuhunan nila sa kani-kanyang negosyo na pinagsaluhan nila,” dagdag ni CSF.
“So, kapagka po ganyan, nagbabawian na ng investment, ano ang ibig sabihin nu’n?” sey pa niya.
Sinagot din ng batikang host at manunulat ang pagde-deny ni Karla Estrada sa kanyang naunang bomba na umamin mismo sa isang kaibigan ang ina ni Daniel na hiwalay na ang KathNiel.
Matatandaang ibinalita ito ni ‘Nay Cristy a few days ago na kaagad sinagot ni Karla.
Ayon sa mudra ni DJ ay wala itong katotohanan at hindi niya pinangungunahan o pinakikialaman ang love life ng kanyang mga anak.
“Ang buong akala ng mga KathNiel na tagahanga, hindi siya ang naglantad nu’ng balita at hindi rin hiwalay si Daniel at si Kathryn,” sey ni CSF.
Aniya, hindi na siya makikipag-argumento pa at ang pinakamaganda ay magharap-harap na lang silang tatlo ng kanyang source.
“Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap,” ang pahayag ni Nay Cristy.
Samantala, bukas ang People’s Tonight sa panig ng kampo ng KathNiel o ni Karla.