Bomb WOW MALI–Nag-inspect ang mga pulis ng Ermita Police Station 5 sa pamumuno ni Police Maj. Edwin Fuggan kasama ang Explosives’ Ordnance Division at Canine Unit sa condominium sa Manila pero wala namang nakitang bomba. Kuha ni Jon Jon Reyes

Condo folk sa Manila binulabog ng bomb threat

April 11, 2024 Jonjon Reyes 143 views

NABULABOG ang mga tenants ng condominium sa San Andres, Malate, Maynila dahil sa bomb threat na napatunayan namang supot matapos ang search operations ng mga pulis noong Huwebes.

Sa report mula sa Manila Police District station 5, nakatanggap ng bomb threat ang may-ari ng Marc 2000 Tower na si Ericson Marquez Mendoza mula sa 0994-825-9658.

Nakasaad sa text message na: “Exactly 12 noon magaganap ang malakas na pagsabog sa opis n’yo.”

Ipinagbigay alam niya ito kay Yvonne Diane Matos na siyang nag-report naman sa head security na si Kurt Ryu Besana.

Hinalughog ni Besana anga lahat ng mga sasakyan na nakaparada sa parking area at sa permiso ni Marquez at Matos iniutos ang evacuation ng mga tenants at empleyado ng nasabing gusali.

Dumating ang mga tauhan ng MPD-District Explosive and Canine Unit para sa bomb search pero negatibo sa bomba ang condo premises.

AUTHOR PROFILE