
‘Commander Rambo’ ng ASG, timbog sa Basilan
MATAPOS ang 14 na taong pagtatago sa batas, inaresto ng mga awtoridad ang sinasabing “notorious” na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Basilan.
Ayon kay Zamboanga City Police Office (ZCPO) Director Col. Alexander Lorenzo, ang naarestong suspek ay may alyas na “Commander Rambo.”
Si Rambo ay naaresto ng mga tauhan ng ZCPO at Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) dakong 9:45 ng umaga nitong Sabado sa bayan ng Lantawan, Basilan.
Batay sa record ng suspek na miyembro ng ASG at pang-anim na “most wanted person” sa Basilan kung saan mayroon siyang “standing warrant of arrest” para sa kasong murder na walang nakalaang piyansa.
Ang operasyon ng suspek ay nasa bayan ng Sumisip at sinasabing bumiyahe ito patungong Lantawan sa pamamagitan ng bangka bago siya naaresto.
Sa kasalukuyan, ang naarestong bandido ay nasa kustodiya ng Isabela City Police Station para sa kaukulang disposisyon.