Default Thumbnail

Comelec ERB patas, walang kikilingan

July 17, 2024 Steve A. Gosuico 312 views

TALAVERA, Nueva Ecija–Tiniyak ng Election Registration Board (ERB) ng bayang na ito na magiging patas at wala silang kikilingan sa pagdinig sa petisyon para sa limang kaso ng oposisyon na inihain sa Commission on Elections tungkol sa 853 tao na nag-aaplay para sa bagong rehistrasyon ng botante.

Binubuo ang ERB ng municipal election officer Jose B. Ramiscal, chairman, municipal civil registrar Bleszilda F. Casas at Department of Education supervisor Atty. Marilou R. Buenaventura bilang mga miyembro.

Binanggit na ang naging karaniwang batayan sa oposisyon sa mga kaso ang mga aplikanteng botante na hindi residente ng nasabing mga barangay, pahayag ni Ramiscal.

Kinilala ang mga sumasalungat sa pagpaparehistro ng aplikasyon na sina Cecilia Balmater Vicente para sa barangay Marcos District (79 na aplikante); Marites Adriatico, Brgy. San Pascual (131 aplikante) at Bernard Buenaventura, Brgy. Andal Alino (189 aplikante).

AUTHOR PROFILE