Alona Larawan mula sa IG/Alona Navarro

Coffee or me?

March 6, 2025 People's Tonight 180 views

NANG mag-aya ng kape ang Vivamax actress na si Alona Navarro, agad na game humigop ang mga barako kahit na mainit ang panahon.

Perpekto nga ang timpla ng alindog ni Alona sa isang Instagram post niya. Ibinahagi ng sexy star ang isang video ng behind the scene ng kanyang naging photoshoot.

Walang-wala ang init ng kape sa bigay na hotness ng kaseksihan ng hot actress sa nasabing post.

Mapapanood siyang kasa-kasama ang isang mug ng kape bilang prop, habang suot-suot naman ang kanyang puting two-piece bikini.

“Coffee?” maikling caption niya sa nasabing post.

Iba’t iba ang pose na ginawa ni Alona para i-display ang magandang kurba ng kanyang body.

Palaban ang hubog ng kanyang katawan kahit ano pang pwesto ‘yan.

Agad na kinabaliwan ng mga nasa opposite sex ang kanyang charm sa video. Nilunod pa nila ng mga papuri, hearts at fire emojis ang comment section niya.

“Lakas talaga ng karisma mo sa akin lodi!” banat ng isang IG user.

Naipamalas na ni Alona ang kanyang husay sa pagganap sa iba’t ibang karakter sa mga proyekto niya sa Vivamax. Ilan sa mga ito ang Sitio Diablo (2022), Purificacion (2022) at Kara Krus (2022).

AUTHOR PROFILE