Michelle Larawan: Michelle Dee/IG via Star Music PH

Dee-va mode

March 7, 2025 People's Tonight 117 views

WALANG kupas ang kagandahan at kaseksihan ni Michelle Dee, at pinatunayan niya ito sa kanyang nag-aapoy na bagong post.

Sa isang eksena mula sa kanyang music video, suot ng former Miss Universe Philippines ang isang mapangahas na pulang bikini na lalong nagpaangat sa kanyang reynang karisma at pambihirang alindog!

May pa-caption na, “Welcome to the world of REYNA—where beauty flourishes, confidence shines, and where YOU take center stage.” Pero mukhang siya mismo ang nasa sentro ng atensyon ng lahat dahil sa kanyang nakakapanginig na kaseksihan!

Dumagsa naman ang mga komento mula sa kanyang mga tagahanga patunay na mukhang walang makakatulog sa init ng kanyang pasabog! All hail the Queen!

AUTHOR PROFILE