
CocoJul, ’di na teenagers para itago ang relasyon
THE cat is out of the bag.
Dalawang events ang kapwa dinaluhan ng sinasabing showbiz couple na sina Coco Martin at Julia Montes.
Unang bumisita sina Coco at Julia sa puntod ng movie queen na si Susan Roces noong first death anniversary nito.
Ang isa pang pinuntahan ng dalawa ay ang celebrity screening ng collaboration series ng GMa at ABS-CBN na Unbreak My Heart.
Hindi nakakawala si Coco sa kumausap sa kanya. Hindi tuloy sinasadyang ibinisto niya ang 12 years nilang relasyon ni Julia, huh!
Para sa fans, kumpirmasyon ito ng relasyon nila na matagal na umanong itinatago sa publiko. May ilan naman na dudang “professional relationship” ang ibig sabihin ni Coco.
Naku, hindi na sila teenagers upang itago pa ang relasyon nila, ‘no?
The more nilang itinatago, the more na uuriratin ito lalo na ng showbiz media, huh!
WALANG KAPAGURAN
WALA talagang kapaguran ang writer-composer-director na si Joven Tan.
Aba, matapos idirek ang movie na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, bioflick ng singer-composer na si Rey Valera, ang paggawa naman ng kanta ang ginawa ni Tan bago ang next movie niya.
Ang kantang Baka, Pwede Na ang latest composition ni Joven at kinanta ito ng baguhang singer from Cavite na si Lizzie.
Isang fan meet ang naganap sa mga supporter ni Lizzie sa Cavite upang iparinig niya ang bagong kanta na released ng Star Music.
Suportado siya ng mga kababayan niya sa Cavite na inaabangan na ang paglabas ng single niyang Baka, Pwede Na ngayong end of the month.
Nakagawa na ng ilang hit songs si Joven kaya another hit in the making ang Baka, Pwede Na ni Lizzie.