Coco Julia

Coco at Julia, ‘Di na kailangan umamin

July 6, 2021 Vinia Vivar 726 views

Muli na namang kinilig ang CocoJuls fans nina Coco Martin at Julia Montes nang maispatan ang rumored lovers na magkasama sa Greenhills.

Nag-viral agad ang larawan na bumibisita sa isang outdoor equipment store.

Mismong ang shop na Outdoors Club ang nag-post ng larawan ng dalawa habang nasa shop nila sina Coco and Julia.

“Famous Filipino actor today, Coco Martin and actress Julia Montes visited the Outdoors Club Greenhills. Thank you for choosing The Outdoors Club,” ang nakalagay na caption sa photo.

Napansin ng mga netizen ang box ng pizza oven sa likod ni Julia kaya komento ng isa ay mukhang ito ang binili ng aktres sa shop.

May netizen namang nagtanong kung kailan aaminin sina Julia and Coco pero sagot naman ng isa, hindi na kailangan pang umamin ng dalawa dahil obvious na obvious naman na may relasyon ang mga ito.

Ang CocoJuls fans naman ay tuwang-tuwa at nirepost pa nila sa IG ang larawan ng dalawa.

“Waaaah visible na talaga sila sa public, my cocojul hart,” komento ng isang fan.

“Wow sobrang kilig Lovebirds,” sey ng isa pa.

AUTHOR PROFILE