Cocaine1

Cocaine na isinama sa mga damit naharang ng BOC-Clark

December 5, 2023 People's Tonight 163 views

CocaineNAHARANG ng Bureau of Customs – Port of Clark ang 135.24 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P716,772.00 na inilagay sa isang package kasama ng mga damit.

Ang package na idineklarang “hoodies and t-shirts” ay galing umano sa Los Angeles, California, USA, at dumating sa bansa noong Nobyembre 22.

Dumaan umano sa x-ray scanning at K9 sniffing ang package. Nang buksan ang package ay nakita rito ang pinaghihinalaang cocaine na ipinadala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para suriin.

Nakumpirma sa chemical laboratory analysis na cocaine ang laman ng package na isang paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kinilala ni District Collector Erastus Sandino B. Austria ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng BOC at PDEA upang mabantayan ang mga ipinapasok na produkto.

Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Rubio ang BOC-Port of Clark at PDEA.

“The BOC will not waver in our fight against illicit drugs and will continue to put in more effort alongside our partner agencies to eradicate drug trafficking and smuggling into our nation,” ani Rubio.

AUTHOR PROFILE