Maja1

Civil wedding, inamin ni Maja

August 2, 2023 Vinia Vivar 585 views

Isang araw matapos ganapin ang bonggang kasalan nina Rambo Nuñez at Maja Salvador sa Bali, Indonesia noong July 31, ni-reveal ng aktres na nauna na silang ikasal dito sa Pilipinas noong Feb, 14 via a civil ceremony.

“Dapat talaga isang beses lang,” ani Maja sa panayam sa Preview Ph na lumabas nu’ng August 1. “Pero, since pinili namin to have a destination wedding, hindi kasi i-o-honor ng Philippines ’yung wedding namin sa Bali.”

Ginanap daw ang kanilang intimate civil wedding sa Grand Hyatt Manila na dinaluhan ng 60 guests including their family and close friends.

Talaga raw sinabihan nila ang kanilang guests na huwag mag-post sa social media ng naturang kasalan and in fairness, wala naman talagang lumabas na kahit anong larawan o balita about it that time.

Aminado si Maja na sa panahon ngayon, mahirap na talagang mailihim ang mga ganitong malaking okasyon.

“Lalo na ngayon, digital na sobra. May cellphones and all, and everyone can be the paparazzi,” aniya.

Pinili nila ang date na Feb. 14 dahil bukod sa Valentine’s Day, ito rin ang kanilang 4th anniversary.

Naglabas din ang naturang online magazine ng mga larawan nina Rambo at Maja sa naturang kasalan kung saan makikita ang bride na nakasuot ng white Mark Bumgarner dress habang ang groom naman ay nakasuot ng cream suit.

AUTHOR PROFILE