Maja

Maine at Arjo, Maja at Rambo honeymoon muna ang aatupagin

August 2, 2023 Aster Amoyo 280 views

Maja1Maja2Maja3Maja4IT was Valentine’s day this year, February 14, 2023 when couple Majan Salvador and Rambo Nunez had their civil wedding at the Grand Hyatt Manila with about 60 guests. Napakiusapan ng mag-asawa ang lahat na naroon sa wedding na i-sikreto muna ang kanilang civil wedding until after their July 31, 2023 grand wedding in Bali, Indonesia is over. At nasunod ang wish ng mag-asawa maging ang venue ng kanilang kasal.

Parehong kasama sa bridesmaids sina Maja at Maine sa kanilang respective weddings to their partners na sina Arjo Atayde at Rambo Nunez.

Bukod sa mga celebrities na bahagi ng wedding entourage nina Maja at Rambo including Kathryn Bernardo boyfriend Daniel Padilla in tow, the newly weds na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, kasama rin sa mga special guests ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, Miles Ocampo at iba pa.

Sina Maja at Rambo ay ikinasal sa Apurva Kempinski Bali, Indonesia nung nakaraang Lunes, July 31, 2023.Ngayong nairaos na ng magkahiwalay na kasal nina Maine at Arjo maging sina Maja at Rambo, sa honeymoon muna ang kanilang tuloy bago nila ipagpatuloy ang kanilang respective works and careers.

Jomari may kakaibang birthday gift sa sarili

JomariJomari1Jomari2SA darating na August 16 ay i47th birthday ng actor-politician na si Jomari Yllana (Jose Mari Garchitorena Yllana) at bilang birthday gift sa sarili, he is organizing another major car racing event, 2023 Motorcross Carnivale maging ang Philippine Autocross Championship na nagsimula kahapon, August 2 sa Boardwalk ng Okada Manila na magtatapos sa darating na linggo, August 6 kung saan ipu-proclaim at paparangalan ang mga winners maging ang pamimigay ng special awards sa mga celebrity achievers in sports, ang actor-politician na si Richard Gomez, ang mister ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli at si Michelle Bumgarner.

Ang kaisa-isang anak ni Jomari sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez na si Andre Yllana ay isa sa mga celebrity competitors sa autocross competition.

Apparently, minana ng Viva young actor na si Andre ang hilig ng kanyang ama in car racing.

Magkakaroon umano ng break on Thursday habang sa darating na Biyernes, August 4 ay magkakaroon ng group get-together bilang pag-alaala sa founder ng Cavite Auto Racing na si Eduardo Rosario habang ang buong araw ng Sabado, August 4 ay magkakaroon ng drifting exhibition. Bukod sa car racing, muling binalikan ni Jomari ang kanyang first love, ang acting sa tulong ng kanyang manager na si Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Si Jomari ay huling napanood sa pelikulang “The Healing” na pinagbidahan ni Vilma Santos at pinamahalaan ng premyadong direktor na si Chito Rono in 2012 and that was eleven years ago.

Jomari was formerly married to actress-politician Aiko Melendez in 2000 at na-annul naman ang kanilang kasal nung 2004.

The actor is now engaged (or married?) sa comebacking actress na si Abby Viduya (formerly Priscilla Almeda) na kanyang nakabalikan in 2019.

Cast ng serye nagkaroon ng bonding

EXCEPT for Carlo Aquino at Coleen Garcia na nagkatrabaho na noon sa isang proyekto, ang iba pang members of the cast ng TV series na “kung Hindi Lang Tayo Sumuko,” isang original series which was based sa bestselling book ni Marcelo Santos III at pinamahalaan ng batang director na si Carlo Enciso Catu lahat sila including the director ay first time nagkatrabaho kaya marami umano silang discoveries sa isa’t isa and happy memories while filming the series.

“Super bonding po kami rito at became close sa isa’t isa,” pahayag ni Rhen Escano who is also paired for the first time wih Jerome Ponce.

“If there’s one thing na mami-miss namin nang sobra ay ang nabuo naming friendship sa set,” dugtong naman ni Coleen.

Tatlong pair ang magkakasama sa “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” na matutunghayan sa Viva One app sa darating na August 21, 2023. Ito’y sina Carlo Aquino and Coleen Garcia, Rhen Escano at Jerome Ponce at sina Ryza Cenon at Kiko Estrada. Kasama rin sa nasabing seyre sina Andrea del Rosario, Jeric Raval, Maricel Morales, Jojo Abellana, Jourdanne Castillo at Andrew Muhlach. Sina Ryza at Rhen ay nagkasama na rin sa pelikulang “Rooftop” ng Viva Films.

Janine pelikula ang uunahin pagkatapos ng serye

NAGKITA kami ng Kapamilya singer-ctress na si Janine Gutierrez sa 2nd night wake ng dating Boyfriends member at former OctoArts executive na si Art Ilacad (youngest brother ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad) sa Christ The King Parish in Greenmeadows last Tuesday, August 1. Naikwento nito sa amin na malapit na umanong magtapos ng hit primetime TV series na “Dirty Linen” at pagkatapos nito ay haharapin muna niya ang paggawa ng movie which is intended for the coming 2023 Metro Manila Film Festival.

Nagpapasalamat si Janine sa mga supporter ng serye which she considers one of the best she did, gayundin ang bumubuo ng cast na pawang mahuhusay.

“It’s an acting ensemble,” aniya.

We also admire the eldest daughter of estranged couple Lotlot de Leon and Ramon Christopher dahil sa pagiging good natured person nito.

Sa ilang pagkakataon na nagkikita kami ni Janine ay parati itong bumabati sa amin gayundin sa mga taong kahit hindi niya kakilala. She has a ready smile for everyone.

Solo flight na dumating si Janine sa wake ni Art minus her rumored boyfriend na si Paulo Avelino.

Kathryn at Daniel susunod nang pakakasal?

KathnielDALAWANG magkasunod na wedding ang dinaluhan ng magkasintahang Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (11 years in relationship) nitong nakaraang Biyernes, July 28 at Lunes, July 31 sa magkahiwalay na kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde at nina Maja Salvador at Rambo Nunez. Hindi raw kaya nainggit sina Kathryn at Daniel sa dalawang celebrity
weddings na kanilang dinaluhan? Hinihintay na rin ng mga KathNiel fans ang pagpu-propose ni DJ kay Kathryn lalupa’t matagal-tagal na ring ang kanilang relasyon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE