Lampas

Christine, nailang makipaglampungan kay Chloe

August 6, 2022 Ian F. Fariñas 464 views

PANIBAGONG challenge ang kinaharap ng bagong Pantasya ng Bayan na si Christine Bermas sa bago niyang pelikula, Lampas Langit, na mapapanood via streaming sa Vivamax simula August 19.

Kung sa pinagbidahang Scorpio Nights 3 ay tumodo siya sa paghuhubad at pakikipaglampungan sa leading men na sina Gold Aceron at Mark Anthony Fernandez, sa Lampas Langit ng singer-director na si Jeffrey Hidalgo, sumabak si Christine sa pakikipagromansa sa kapwa babae.

Kwento ng sexy star sa virtual media conference ng Lampas Langit, pumayag siyang gawin ang proyekto dahil kakaiba ang genre nito sa mga nagawa na niya.

Isa pa, manipulator daw ang papel na ginagampanan niya rito bilang si Belle, napagkamalang anak ng novelist na si Arman (Ricky Davao) na kapit-condo naman ng mag-asawang Jake (Baron Geisler) at Mylene (Chloe Jenna).

“Hindi ako ganu’n ka-wild dito,” panimula ni Christine.

Mas less daw ang love scenes niya sa pelikula pero sobrang na-challenge sa girl to girl lovemaking nila ni Chloe.

Ayon sa dalawa, pareho silang hindi handang gawin ang nasabing eksena nu’ng araw na kunan ito ni Direk Jeffrey.

Kaya naman inamin nila na may ilangan factor sa pagitan nila nu’ng una.

Pero dahil new experience ito para kina Christine at Chloe, nag-usap daw sila at nagkasundo na gawin ang eksena sa abot ng makakaya nila.

Si Chloe, inisip na lang na si Christine ang crush niya para bigay-todo ang romansahan nila.

Alamin ang sikreto ng mga karakter nila sa erotic thriller na Lampas Langit na pinagbibidahan din nina Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo eksklusibo sa Vivamax simula August 19.

AUTHOR PROFILE